Saturday , November 16 2024

Urgent bill sa pinalawig na 2020 GAA sinertipakahan ng Pangulo

KINOMPIRMA ng Palasyo na sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent bill ang panukalang batas na nagpapalawig  sa 2020 General Appropriations Act (GAA) at Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Nakasaad sa House Bill 8063 na palalawigin ang Bayanihan 2 hanggang 30 Hunyo 2021 imbes magwakas sa 19 Disyembre 2020 upang matiyak na magagamit ang inilaang pondo ng pamahalaan para makabangon ang bansa sa mula sa pananalasa ng pandemyang CoVid-19.

Habang sa House Bill 6656, ang pagpapalawig sa 2020 GAA hanggang 31 Disyembre 2020.

Layunin ng panukalang batas na patuloy na maisulong ang economic stimulus effort ng Filipinas.

Ipinadala ni Pangulong Duterte ang liham kay Speaker Lord Alan Velasco sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *