Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Rider sinita sa lisensiya kalaboso sa shabu

KALABOSO ang 27-anyos motorcycle rider nang hanapan ng driver’s license pero naging aligaga sa pagkilos kaya kinapkapan ng mga tauhan ng Station-9 ng Taguig City Police  at nabuko ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000, sa Bicutan, Taguig City, iniulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si Tonton Mama, ng Building 6, Room 307, Condo, Maharlika Village, Taguig City.

Nagsagawa ng Oplan Sita sa kanto ng MLQ at Mulawin streets, New Lower Bicutan, Taguig City dakong 8:50 pm nitong, 11 Disyembre.

Pinara ng mga awtoridad ang suspek pero walang mai­pakitang driver’s license hanggang mapansin ang pagkailang sa mga pulis kaya naisipang kapkapan hanggang sa nabuko ang ilegal na droga.

Nahaharap sa reklamong paglapag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek sa Taguig prosecutor’s Office. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *