Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Healing prayer ni Fr. Suarez, highlight sa The Healing Priest

SINABI ng director na si Joven Tan na sa isang bahagi ng kanyang pelikulang Suarez: The Healing Priest, ipinakita ang isang healing mass na pinangunahan ni Fr. Fernando Suarez mismo. Roon sa healing mass na iyon, ang highlight kaya isinali sa pelikula iyong “healing prayer” ni Suarez para sa lahat ng may sakit.

May ganoong video rin si Suarez na kumalat matapos na siya ay mamatay. Nagdarasal siya para sa lahat ng may sakit, at may nagsasabing sa pakikiisa nila sa panalangin sa video ay gumaling sila. Maraming ganyan, mga healer na yumao na, pero dahil nai-record ang kanilang panalangin, o kaya sa pamamagitan ng contact sa kanilang mga gamit, ang mga naniniwala sa kanila ay gumagaling din. Kung mga santo na, iyan ang tinatawag na relic.

Ang tanong, magkakaroon kaya ng mga himala na ang may sakit ay gagaling kung manonood sila ng pelikulang Suarez kahit sa internet lamang?

Hindi mo masasabi kung may mangyayaring ganoon. Kung kami kasi ang tatanungin, hindi kami pabor doon sa parang nagiging kulto na ang lahat. Pero maraming tao ang naniniwala, at kung humusay nga ba ang kanilang pakiramdam, bakit ka makikipagtalo sa kanila? Kagaya rin iyan niyong sumikat na “Toning” noong araw.

Kasabihan nga sa wikang Latin, ”ex opere operantis,” na ang ibig sabihin kung ang isang tao ay karapat-dapat sa biyaya mula sa Diyos, tatanggapin niya iyon kung gagawin niya ang pananalangin at ano mang mabubuting bagay na may kinalaman sa pananampalataya. Ano nga ba ang malay ninyo kung dinggin ng Diyos ang inyong panalangin kasabay ng dasal ni Suarez sa pelikula?

Dahil sa paniniwala natin na tayo’y dumaranas minsan ng sakit, at pinapayagan iyon ng Diyos para maranasan natin ang “kanyang pagpapagaling,” ano ang malay ninyo, baka nga kung magkaisa ang lahat iyan pa ang tumapos sa Covid.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …