POGI naman talaga ang isang dating male star na nagsimula sa isang talent search ng isang network. Hindi siya sumikat dahil medyo pasaway. Nagsimula rin daw iyan talaga sa male personality contest sa Cebu. Hindi man sumikat, ok naman siya dahil naging “boytoy” ng isang doctor, at ng isang bading ding actor. Tapos nakipag-live in sa isa pang transgender sa kanilang probinsiya na ipinakikilala niyang “asawa” niya.
Ngayon wala na halos nakakikilala sa kanya. Hindi na siya ganoon ka-pogi dahil may edad na rin naman siya. Pero dahil mukhang walang-wala na, sinusubukan pa rin niyang “pumasada” at ang presyo niyang gusto akala mo sikat pa siya. Ang ending lahat ng alukin niya ng “service” ay ini-snob siya. (Ed de Leon)