Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sabong manok

4 kelot tiklo sa tupada

ARESTADO ng mga awtoridad ang apat na lalaki kabilang ang isang senior citizen at security officer sa pagtutupada sa Taguig City, nitong Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sina Archie Gonzales, 32, may asawa, security guard, ng Block 42, Lot 11, Barangay Pinagsama, Taguig City; Benjamin Reyes, Jr., 47, may kinakasama, Block 3, Lot 8, SSB, Barangay Western Bicutan; Tiago Modesio, 65, biyudo, Block 3, Lot 8, SSB, Barangay Western Bicutan; at Ramon Relos, Jr., 34, may asawa, Security Officer, ng Bldg. 4, 210 Centennial Village, Barangay Western Bicutan sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni P/SSgt. Ronald Alonzo, may hawak ng kaso, nagkasa ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng Sub-Station 2 sa superbisyon ni Major Jonathan Mangohan sa Centennial Village, Barangay Western Bicutan sa Taguig City, na ikinaaresto ng mga supek dakong 11:45 am.

Nag-ugat ang operasyon nang makatanggap ang awtoridad mula sa isang concerned citizen kaugnay ng nagaganap na illegal cockfighting o tupada sa lugar. Nakompiska sa mga suspek ang dalawang panabong na manok, dalawang tari, at P2,100 pusta sa sabong.

Sasampahan ang apat na suspek ng kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Cockfighting/Tupada) sa Taguig Prosecutor’s Office. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …