Sunday , March 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
tiktok

Fake news sa TikTok inalmahan ng solon  

INIREKLAMO ng isang lady solon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapakalat ng isang malisyosong video na inilathala sa popular social media platform na TikTok para sirain ang kanyang reputasyon.

Nagtungo kamakalawa si Quezon 4th District Rep. Dr. Angelina “Helen” Tan sa NBI Lucena District Office para paimbestigahan ang pagpapalaganap ng malisyosong video ng social media account @sovereignph sa TikTok hinggil sa umano’y kanyang ari-arian at pagtawag sa kanya bilang “corrupt official” na sinegundahan ng troll partners nito.

Hiniling ni Tan kay NBI-Lucena chief Dominador Villanueva III ang maigting na pagsisiyasat at paghahain ng kaukulang mga kaso laban sa mga personalidad na nasa likod ng pagsasagawa at pagpapakalat ng mga paninira laban sa kanya.

Ilan sa mga isasampang kaso ng mambabatas laban sa mga nagpakana ng malisyosong video ay paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at Unjust vexation.

Sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act, ang sinomang mapapatunayang guilty ay mabibilanggo ng 12 taon at magmumulta ng hindi bababa sa P6,000 depende sa lawak ng danyos na naidulot nito. Hiwalay pa rito ang iba pang mga kasong sibil na maaaring ihain.

Dagdag rito ang kasong Unjust Vexation na maaaring isulong ng biktima dahil sa stress at pangamba na idinulot nito na may kaakibat na parusang anim na buwang pagkapiit at multang P500 hanggang P5,000.

Kinondena ng kongresista ang pagpapakalat ng fake news o disimpormasyon sa social media para sa pamomolitika at pagpapalaganap ng mga pansariling interes sukdulang sirain ang reputasyon ng isang tao.

“Walang lugar sa probinsiya ng Quezon ang mga gawaing ito,” ayon kay Tan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …

Kuwento ng pepatriated nurse mula Bahrain TAKOT SA GITNA NG GERA, PANIBAGONG HAMON SA PAG-UWI SA BANSA

Kuwento ng pepatriated nurse mula Bahrain
TAKOT SA GITNA NG GERA, PANIBAGONG HAMON SA PAG-UWI SA BANSA

MAKIKITA ang mga opisyal at staff ng Philippine Embassy – Bahrain, Department of Migrant Workers …