Saturday , December 21 2024

DA, mga katutubo sa Morong, Bataan pumirma ng kasunduan

LUMAGDA sa kasunduan ang Department of Agriculture (DA) at Kanawan Magbukon Aeta Community sa bayan ng Morong, sa lalawigan ng Bataan nitong 5 Disyembre na may layuning paunlarin ang bahagi ng kanilang ancestral land upang pasiglahin ang agrikultura.

Nilagdaan ang kasunduan nina Agriculture Secretary William Dar; at Chieftain Belinda Restum, at Vice Chieftain Joseph Salonga, kapwa kinatawan ng Kanawan Magbukun Aeta Community.

Sinaksihan ito nina Eduardo Gongona, BFAR  Executive Director;  Sonia Salguero, BSWM Executive Director; Norberto Mendoza, President ng Magbukon Agro Eco Ventures Inc.; at mga miyembro ng mga Magbukon.

Sa ilalim ng kasunduan ay susuportahan ng DA ang mga katutubo ng kinakailangang teknikal na kaalaman sa pag-aagrikultura at aasistehan ng Magbukon Agro Eco Ventures sa kanilang operasyon upang maiangat ang kabuhayan ng mga tribong Magbukon lalo ngayong panahon ng pandemya. (RAUL SUSCANO)

 

 

About Raul Suscano

Check Also

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

My Future You ng FranSeth may puso, may ‘K’ ipagmalaki

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANALO sa ganda at tema ng istorya para sa amin …

Makapili Vlogger

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy …

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *