Saturday , April 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Cong. Vilma Santos, aminadong pasaway

AMINADO si Congresswoman Vilma Santos na marunong din naman siyang magalit. Marunong siyang mainis. Minsan pasaway din siya, bagama’t mahaba ang kanyang pasensiya. Inamin din naman niyang may panahon na nagrebelde siya.

Umiinom din siya ng alak, pero red wine lang at masasabing social drinking lang iyon. Hindi naman siya kagaya ng iba na tomador na talaga. There was a time nagsigarilyo rin siya, “lalo na kung matindi ang tension,” pero kailanman hindi siya sumubok na magdroga.

Pero inamin niya, mas marami pa ang nabago sa buhay niya matapos silang magpakasal ni Senator Ralph Recto, 28 years ago, December 11, 1992 sa Cathedral ng Lipa.

 “Actually simula noong magsama kami ni Ralph, kasi magkasama naman kami ng seven years na bago kami nagpakasal. Noon kasi, ang feeling ko, ako ang boss. Walang makaka-control sa akin eh. Lalo na noong marami akong problema, nabaon ako sa utang dahil nag-produce kami ng pelikula, mismanaged naman iyong kompanya at marami ang nanloko sa amin. Iba ang utak ko noon dahil lahat ng pinaghirapan ko nawala. Nagtatrabaho ako pambayad lang sa utang ko sa BIR at sa mga banko.

“Noong dumating si Ralph, unti-unti nagkaroon ng control. May mga nabago agad sa buhay ko. Nag-iba ang priorities ko. Nai-guide niya ako nang husto eh, at itong buhay ko ngayon, dahil iyan sa guidance na niya. Iyang pagpasok ko sa politika na noong araw hindi ko ma-imagine na mangyayari.

“Sabi ko noon pagtanda ko, siguro magdidirehe na lang ako ng pelikula o kaya magpo-produce. Alam ko namang hindi ako leading lady habang buhay. Pero honestly, hindi ko naisip o pinangarap maging mayor, governor at congresswoman pa. Wala eh. Wala iyan sa plano ko. Wala sa isip ko. Ano ba ang malay ko riyan? Pero natutuhan ko rin namang lahat.

“Ngayon, aminado akong pasaway pa rin ako. Hindi kasi ako iyong basta susunod na lang eh. Kung ano ang inaakala kong tama, roon ako. Minsan galit ako, kasi alam kong may magagawa para sana mas maging tama ang trabaho namin, pero sa kongreso majority wins. Nakaiinis lang kung alam mong may magagawa kang mabuti na hindi mo magawa,” pagkukuwento ni Ate Vi.

Isa na nga riyan iyong kaso ng ABS-CBN. “Alam ko naman from the start kung ano ang sentiments niyong iba. Siguro there was a time nasagasaan din sila. Pero ako ang iniisip ko roon iyong dami ng taong mawawalan ng trabaho tapos may pandemya pa. Bumoto ako against the majority na dapat kinabibilangan ko. Pero iyon ako eh. Hindi ko mababago iyon,” sabi pa niya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Chanty Marian Rivera

Chanty kumasa kay Marian, nagpagiling-giling at ‘di nagpahuli sa pagkembot 

I-FLEXni Jun Nardo KUMASA ang baguhang si Chanty kay Marian Rivera para sayawin ang Marimar dance icon na nagpasikat sa GMA …

Joseph Bitangcol Sandara Park Park Bom

Joseph ipinagtanggol si Sandara: 100% na hindi niya gagawin ‘yon

MA at PAni Rommel Placente Walang pagdadalawang-isip na ipinagtanggol ni Joseph Bitangcol ang ex- girlfriend na si Sandara …

Nicole Sonora Sheryl Cruz Boy Abunda Rams David

Anak ni Sheryl na si Nicole papasukin na rin pag-aartista 

MA at PAni Rommel Placente DAHIL artista ang kanyang inang si Sheryl Cruz at mula sila sa …