Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drugs dead

Umaming drug user tinambangan lalaki patay, babae sugatan (Sa Negros Oriental)

NABARIL at napatay ang isang lalaking ‘nangumpisal’ na isa siyang drug user habang sugatan ang kanyang kasamang babae nang tambangan sa isang abalang kalsada sa lungsod ng Bais, lalawigan ng Negros Oriental, noong Linggo, 6 Disyembre.

Minamaneho ng biktimang kinilalang si Patrick Manuel Romero, 31 anyos, angkas ang kaniyang live-in partner na si Rhea Lou Pagador, 29 anyos, nang harangin ng mga hindi kilalang suspek.

Nabatid na ilang ulit binaril ng nakaangkas na suspek si Romero.

Agad dinala si Romero at kasama niya sa Bais City District hospital ngunit binawian ng buhay ang biktima, samantala, nakaligtas si Pagador na tinamaan ng bala ng baril sa siko.

Nakuha ng forensics examiners sa pinangyarihan ng insidente ang isang hindi pa naipuputok na bala ng baril, pitong naiputok nang bala ng kalibre .45 baril, depormadong basyo ng bala, at isang cellphone.

Ayon kay P/CMSgt. Edelberto Euroba III, public information officer ng Negros Oriental police, patuloy na nag-iimbestiga ang pulisya ng Bais kaugnay sa pamamaslang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …