Saturday , November 16 2024

Sa 98 CoVid-19 cases… DOH tikom-bibig sa health protocol violations ng Kamara (Cover up inangalan ng mga empleyado)

WALANG naging aksiyon ang Department of Health (DOH) sa naitalang 98 confirmed CoVid-19 cases sa House of Representatives gayondin sa naiulat na paglabag sa quarantine protocol ng matataas na opisyal nito sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco at Deputy Speaker Mikee Romero.

Kinompirma ni Quezon City Health Department -Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Director Dr. Rolly Cruz na naisumite na nila sa DOH ang kanilang Event-Based Surveillance and Response (ESR) report patungkol sa ginawang late reporting ng Kamara sa mga confirmed CoVid-19 cases nito gayondin ang resulta ng kanilang isinagawang contact tracing.

Ilang beses tinangkang hingan ng panig ang DOH ukol sa kanilang aksiyon sa clustering of CoVid cases o biglaang pagtaas ng kaso sa Kamara ngunit pawang tumangging magbigay ng kanilang komento.

Sa ilalim ng DOH guidelines mayroon nang clustering of cases kung sa isang workplace ay nagkaroon ng dalawang kaso ng CoVid, sa Kamara ay nagkaroon ng 98 positive cases na naitala mula 10 Nobyembre hanggang 20 Nobyembre pero naireport lamang sa health office noong 1 Disyembre.

Una nang ipinanawagan ng mga kawani ng Kamara na ipasara muna ang tanggapan dahil sa pagdami ng kaso ng CoVid-19 ngunit tila nagkakaroon ng cover-up dahil bigo ang DOH na aksiyonan ito.

Inamin ni Cruz, ang rekomendasyon na ipasara ang Kamara ay wala sa kanilang kamay dahil ang House of Representatives, bilang isang separate institution ay nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng DOH at hindi ng local health office.

Samantala kinastigo ni dating Law Dean Atty. Rico Quicho ang hindi pagsunod sa quarantine protocol nina Velasco, Romero, House Secretary General Marl Llandro “Dong” Mendoza at Diwa Partylist Rep. Mike Aglipay.

Ang apat ay direktang na-expose sa CoVid-19 positive na si TESDA Director Isidro Lapeña nang magkakasama sila sa isang dinner event  ngunit imbes mag-self-quarantine ay patuloy na nakikitang pumapasok sa Kamara.

“Lawmakers should not be lawbreakers. Practice what they preach,” pahayag ni Quicho na nagsampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 11332 o  Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Act laban kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III dahil sa quarantine breach nang lumabas siya sa kabila na positibo siya sa CoVid-19.

Ayon sa report, kasama ng House Leaders sa isang dinner sa Shangri La Taguig si Lapeña at iba pang Philippine Military Academy (PMA) Alumni noong 19 Nobyembre.

Makalipas ang dalawang araw ay nagpositibo sa virus si Lapeña ngunit hindi nag-quarantine ang House Leaders at noong 24 Nobyembre ay pinangunahan nina Velasco at Romero ang isang hearing at 25 Nobyembre ay tumanggap sila ng courtesy call mula kina Labor Secretary Silvestre Bello at PNP Chief Debold Sinas.

Bukod sa paglabag sa quarantine, nilabag din ng House leaders ang guidelines ng DOH-IATF na nagtatakda na hanggang 10 katao lamang ang gathering.

Bukod sa 5 House leaders at kay Lapeña, kasama rin sa dinner meeting sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Information Secretary Gregorio Honasan, Environment Secretary Roy Cimatu, National Security Adviser Hermogenes Esperon, National Task Force Against CoVid-19, Chief Carlito Galvez, at Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista.

Sa ilalim ng 2020 Revised Implementing Rules and Regulations ng Republic Act o 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, malinaw na itinatakda sa Rule VI na “whether public or private, all are required to accurately and immediately report notifiable diseases and health events of public health concern.”

Ang hindi tatalima rito ay maaaring patawan ng multa at pagkakakulong ng isang buwan, ngunit kung ang offender ay isang public or private institution gaya ng Kamara, ang chief o ang lider nito o si Speaker Velasco ang magiging liable, na ang maaaring ipataw na parusa ay pagsibak sa tungkulin.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *