Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Parak itinumba sa Toledo, Cebu

BUMAGSAK nang walang buhay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Barangay Dumlog, lungsod ng Toledo, lalawigan ng Cebu, pasado 9:00 am kahapon, 3 Disyembre.

Kinilala ang biktimang si P/SSgt. Gerfil Geolina, 44 anyos, nakatalaga sa bayan ng Asturias, sa nabanggit na lalawigan.

Nabatid na nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo nang tambangan at pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas rin sa motorsiklo.

Tinamaan si Geolina ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kaniyang agarang kamatayan.

Ayon kay P/Lt. Col. Junnel Caadlawon, hepe ng Toledo city police, nakarinig umano ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga residenteng nakatira malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Nang lumabas sila ng kanilang mga bahay, nakita nila ang biktimang nakahandusay na sa lupa.

Dagdag ni Caadlawon, sinabi ng mga nakasaksi sa mga imbestigador na nakasuot ng full-faced helmet ang mga suspek.

Patuloy na tinutukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng pamamaslang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …