Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suicide biniro magsasaka tigok sa lubid (Sa harap ng mga menor de edad)

NAMATAY ang isang 50-anyos magsasaka sa kanyang pagbibiro ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa harap ng mga kabataan na aliw na aliw na kinukunan siya ng video habang nakabitin sa isang puno sa Barangay San Vicente, bayan ng Alcala, lalawigan ng Cagayan, nitong Lunes ng tanghali, 1 Disyembre.

Kinilala ang biktimang si Samsun Pinto, isang magsasaka, na umaktong magpapakamatay sa harap ng mga menor-de-edad na kinukunan siya ng mga video saka planong ilagay sa social media.

Sa una at dalawang pagbibiro kay kamatayan ay nakalusot si Pinto, ngunit sa ikatlo, nilansi siya ng sariling biro nang biglang humigpit at hindi nakalas ang lubid.

Sa harap ng mga nagtatawanang kabataan na kumukuha ng video, nataranta si Pinto at nahirapan huminga ngunit inakala nilang nagbibiro pa rin ang biktima.

Hanggang tuluyang higitin ng lalaki ang kanyang huling hininga na tila ninakaw ng lubid na kanyang ginagamit sa pagbibiro.

Ayon sa mga lokal na imbestigador, akala ng mga batang nanonood ay bahagi lamang ng palabas ni Pinto ang pagkataranta niya at pagsubok na luwagan ang lubid sa kaniyang leeg.

Ayon sa ulat, agad tumakbo at akmang tutulungan si Pinto ng mga kabarangay ngunit huli na ang lahat.

Dinala si Pinto sa malapit na klinika kung saan siya idineklarang wala nang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …