KINAILANGAN pang kalampagin ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang House of Representatives bago umamin na mayroong 98 confirmed CoVid cases ang Kamara mula pa noong 10 Nobyembre.
Sa isang press release na ipinalabas ng tanggapan ni House Speaker Lord Allan Velasco, inamin nitong mayroong 98 confirmed cases ang Kamara.
Base ito sa resulta ng kanilang isinagawang mass testing, gayonman, hindi idinetalye kung ilan ang mga apektadong kawani at ilan ang mga mambabatas.
Ang 98 confirmed cases ay hindi naka-report sa QC-CESU na paglabag sa itinatakdang 24-oras na reporting ng mga CoVid cases kaya aminado ang virus surveillance unit ng lungsod na mahihirapan sila ngayon sa gagawing contact tracing lalo na’t lumipas na ang 20 araw.
Ayon kay QC-CESU Director Dr. Rolly Cruz, tanging 40 cases lamang ang kanilang nasa listahan na pawang nag-self-reporting. Ang mga naireport na kaso ang dahilan kung bakit kinalampag at hinihingan ng report ang Kamara dahil wala itong isinusumite sa tanggapan.
“‘Yung 40 cases ay pawang nakatira sa mga barangay sa paligid ng Batasan Complex, nang aming tanungin kung saan nila nakuha ang virus ay sa kanilang workplace sa Kamara. Inaalam natin ngayon kung itong 40 cases na nasa aming listahan na mga kawani ay kasama sa 98 cases idineklara ngayon lang ng Mababang Kapulungan o hiwalay pa ito,” paliwanag ni Cruz.
Aniya, iimbestigahan kung saan at paano nakuha ng 98 confirmed cases ang virus, kung ito ay sa Kamara nakuha o sa ibang lugar at kung may batayan para ipasara pansamantala ang tanggapan.
Iginiit ni Cruz, dapat ay 24-oras lamang ay i-report na ang CoVid cases para sa gagawing contact tracing, ngunit sa kaso ng Kamara, tumagal ito.
Magsusumite umano sila ng report sa Department of Health (DOH) ukol sa kanilang magiging findings sa late reporting ng Mababang Kapulungan.
Ang 98 confirmed cases sa buwan ng Nobyembre ng Kamara ay hiwalay pa sa naunang 80 CoVid cases na naitala simula Marso 2020. Dalawang mambabatas at tatlong empleyado ang nasawi dahil sa CoVid-19
Isinisi ng mga kawani ng Kamara ang paglobo ng mga kaso ng CoVid cases sa ahensiya dahil sa hindi estriktong pagsunud sa quarantine protocol maging ng House Leaders.
Tinukoy sina Speaker Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero, at House Secretary-General Dong Mendoza na lumabag sa quarantine protocol. Patuloy na pumapasok ang tatlo sa Kamara sa kabila ng kanilang exposure sa CoVid positive na si TESDA Chair Isidro Lapeña.
Sinabi ni Romero na nagnegatibo sila sa test matapos ma-exposed kay Lapeña ngunit hindi naman sumailalim sa 14-day quarantine na nakita pang dumadalo sa mga hearing at courtesy call sa Kamara.
Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan ang quarantine kapag may direct exposure sa isang CoVid patient kahit nagnegatibo sa test dahil ang virus ay maaaring mag-develop mula dalawa hanggang 14 na araw pagkatapos ng exposure.
Ayon sa report, kasama ng House Leaders sa isang dinner sa Shangri La Taguig si Lapeña at iba pang Philippine Military Academy (PMA) Alumni noong 19 Nobyembre.
Makalipas ang dalawang araw, nagpositibo sa virus si Lapeña ngunit hindi nag-quarantine ang House Leaders at noong 24 Nobyembre ay pinangunahan pa nina Velasco at Romero ang hearing ng Kamara sa epekto ng bagyong Ulysses.
Noong 25 Nobyembre, makikita sa website ng Kamara na tumanggap sila ng courtesy call mula kina Labor Secretary Silvestre Bello at PNP Chief Debold Sinas.
Bukod sa paglabag sa quarantine ay nilabag din ng House leaders ang guidelines ng DOH-IATF na nagtatakda na hanggang 10 tao lamang ang gathering, bukod sa 5 House Leaders at si Lapeña kasama rin sa dinner meeting sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Information Secretary Gregorio Honasan, Environment Secretary Roy Cimatu, National Security Adviser Hermogenes Esperon, National Task Force Against CoVid-19 Chief Carlito Galvez, at Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista,