Wednesday , December 25 2024

House Speaker Velasco, Rep. Romero lumabag sa health protocol (Negative man sa CoVid test, self quarantine kailangan pa rin)

SA ILALIM ng Department of Health Guidelines kailangan pa rin mag-self-quarantine ang isang indibidwal na exposed sa isang CoVid positive patient kahit pa man sa inisyal na test nito ay lumabas na negatibo.

Ayon kay Dr. Beverly Ho, Director ng Health Promotion and Communication Service, sa oras na makompleto ang quarantine, kahit pa man asymptomatic at negatibo sa CoVid test, ay saka pa lamang dapat babalik sa normal activities ang inbidwal na may exposure sa isang CoVid-19 positive.

Malinaw din sa direktiba ng World Health Organization (WHO) ang kahalagahan ng quarantine sa mga na-expose sa CoVid positive patient kahit ano pa man ang resulta ng isinagawang test dahil ang CoVid-19 ay maaaring magdevelop sa pagitan ng dalawa hanggang 14 araw pagkatapos ng exposure.

Ang obserbasyon sa tamang health protocol partikular sa usapin ng quarantine ay lumutang kasunod ng naiulat na paglabag mismo nina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero, Diwa Partylist Rep. Mike Aglipay at House Secretary-General Dong Mendoza na nagkaroon ng direct exposure kay TESDA Director Isidro Lapeña na nagpositibo sa virus.

Ayon sa report, kasama ng House Leaders sa isang dinner sa Shangri La Taguig si  Lapeña at iba pang Philippine Military Academy (PMA) Alumni noong 19 Nobyembre na makikita sa Facebook post na walang suot na mask ang mga opisyal, makalipas ang dalawang araw ay nakompirmang positibo sa virus si Lapeña.

Nakadalo pa sa hearing sa Senado noong Nobyembre 20 si Lapeña kaya si Sen. Joel Villanueva na may direct contact ay nag-obserba ng quarantine ngunit sina Velasco, Mendoza, at Romero ay patuloy na nakikita sa Kamara at dumadalo sa kanilang official function.

Sinabi ni Aglipay, nang magpositibo si Lapeña sa virus ay sumailalim sila lahat na dumalo sa dinner meeting sa CoVid test at lahat sila ay nagnegatibo.

Sa panig ni Aglipay, sinabi nito na inobserbahan niya ang quarantine at nanatili lang sa bahay ngunit sa kaso nina Velasco, Romero, at Mendoza ay dumadalo pa sa iba’t ibang hearing sa Kamara.

Nitong 24 Nobyembre pinangunahan nina Velasco at Romero ang hearing ng Kamara sa epekto ng Bagyong Ulysses at 25 Nobyembre ay makikita sa website ng Kamara na tumanggap pa sila ng courtesy call mula kina Labor Secretary Silvestre Bello at PNP Chief Debold Sinas.

Bukod kina Aglipay, Romero Lapeña, kasama rin sa nasabing dinner meeting sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Information Secretary Gregorio Honasan, Environment Secretary Roy Cimatu, National Security Adviser Hermogenes Esperon, National Task Force Against CoVid-19 Chief Carlito Galvez at Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista,

Negatibo na si Lapeña sa virus ngunit nanatili siya sa isolation kahit siya ay asymptomatic.

Ani Lapeña, estrikto niyang inoobserba ang protocols pero nalusutan pa rin kaya gusto niyang mai-trace kung saan niya nakuha ang virus upang matigil ang pagkalat nito.

“It is somewhere outside ng aking household ‘yung napagkunan ko. ‘Yun ‘yung gusto natin i-trace at to put a stop to this para hindi na mag-spread. ‘Yan ‘yung lesson learned sa akin kasi I follow strict protocols bilang director-general ng TESDA so I set the example pero mukhang somewhere somehow e nalusutan ako,” paliwanag ni Lapeña.

Hindi naman maikubli ng mga staff ng Kamara ang inis sa ginawa nina Romero at Velasco na naglalagay sa panganib sa kalusugan ng lahat.

“Alam nila na exposed sila, kung gusto nilang umattend sa hearing ay puwede naman through zoom, nakalulungkot dahil relax na relax ang pag-obserba sa health protocols mismo ng mga lider ng Kamara,” ayon sa isang kawani.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *