Wednesday , December 25 2024

DILG nakatutok vs ‘Online game show’ sa Batangas

INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang “online game show” ng isang bise alkalde sa ikalawang distrito ng Batangas, habang oras ng trabaho.

Ito ang kinompirma ni Civil Service Commissioner Atty. Aileen Lizada.

“Forwarded na po kay SILG (Secretary of Interior and Local Government),” pahayag ni Lizada.

Ayon kay Lizada, kasalukuyan itong pinaiim­bestigahan mismo ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

“As per SILG, pina-check na niya (ang online game show during office hours),” ani Lizada.

Matatandaang inire­klamo si San Pascual, Batangas Vice Mayor Isagani “Willy” Dimatatac sa Office of the Ombudsman, DILG at CSC, dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, dahil sa ginawang “online game show” habang nasa oras ng trabaho.

Sa tatlong-pahinang reklamo na ipinadala sa tanggapan nina Ombudsman Samuel Martires, DILG Secretary Eduardo Año, at CSC Chairperson Alicia Dela Rosa Bala, hiniling na agad patawan ng preventive suspension si Dimatatac, Konsehala Lanifel Manalo, at iba pang kasama sa “online game show.”

“After due notice and hearing, judgement be rendered ordering the dismissal from service of respondent Vice Mayor Isagani “Willy” Dimatatac, Councilor Lanifel Manalo for Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, together with the cancellation of all his eligibilities, forfeiture of his retirement benefits, perpetual disqualification from public office and taking civil service examinations,” saad sa reklamo.

Sinabi sa reklamo na nag-post ng imbitasyon sa Facebook si Dimatactac para sa tinatawag na “Pandemya Online Game” na siya ang magiging host at sponsor ng premyo.

“While ordinarily this kind of activity is welcomed during pandemic, this is sanctioned and strictly prohibited if done during office hours. The civil service commission has declared that this is illegal and against the law,” ayon sa reklamo.

Maituturing umano itong pag-aaksaya sa panahon at pera ng gobyerno.

“This is abuse of power and wanton disregard and wastage of government time and resources, that warrant dismissal from service together with the cancellation of their eligibilities, forfeiture of his retirement benefits, perpetual disqualification from public office,” saad sa reklamo.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *