Saturday , November 16 2024

Buhay ay mahalaga – Bong Go… PUBLIKO HINIKAYAT ‘WAG MAGDAOS NG MALAKIHANG PAGTITIPON (Health protocols sundin ngayong holiday season)

KASUNOD nang nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan, hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go, Chairperson ng Senate Committee on Health, ang publiko na iwasan ang pagdaraos ng mass gatherings at mga kasayahan ngayong holiday season, habang nananatili ang banta ng pandemyang coronavirus disease 2019 (CoVid-19).

Sa isang panayam, habang personal na pinamumunuan ang pamamahagi ng ayuda para sa mga biktima ng bagyo sa Plaridel, Bulacan nitong Biyernes, sinabi ni Go na bagamat nauunawaan niya ang kahalagahan ng family gatherings tuwing Pasko, dapat aniyang bigyan din ng halaga ang kaligtasan at buhay ng mga mahal natin sa buhay, lalo ang malakihang pagtitipon ay maaaring pagmulan ng pagkalat ng virus.

“Ako, dini-discourage ko po ang any party, any celebration. Maaaring magkahawaan ng sakit,” ayon kay Go.

Una nang hinikayat ni Go ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na magbigay sa publiko ng mga gabay at panuntunan sa health at safety protocols na kanilang ipatutupad, partikular sa mga pagdaraos ng anomang uri ng pagtitipon, ngayong papalapit na ang Christmas season.

Ipinaalala rin ni Go na ngayo’y unti-unti nang binubuksan ng pamahalaan ang ekonomiya habang nagpapatupad ng mga kinakailangang health at safety protocols upang protektahan ang mga Pinoy sa gitna ng krisis, dapat pa rin ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan ang gawing prayoridad sa paggawa ng pamahalaan ng anomang desisyon.

“Safety first. Para sa akin, unahin muna natin ang kalusugan ng ating mga kababayan. Mas importante sa akin ang buhay ng bawat Filipino,” anang senador, at idinagdaga na, “Ang pera po ay kikitain natin pero ‘yung perang kikitain natin ay hindi mabibili ang buhay. A life lost is a life lost forever.”

Pinayohan rin niya ang mga Pinoy na manatiling vigilante at patuloy na tumalima sa minimum health and safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan sa pag-iwas ng CoVid-19, habang patuloy ang pag-develop sa bakuna laban sa virus.

“Kasama natin ang ating pamilya, pero wala munang parties dahil delikado pa po habang wala pa pong vaccine, no time to celebrate, ‘wag muna tayong mag-celebrate, ang importante kasama natin pamilya sa isang bahay,” giit ni Go.

Pagtiyak niya, sa sandaling magkaroon na ng bakuna, prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng pamahalaan, na mabigyan ang less fortunate, gayundin ang medical frontliners at iba pang vulnerable sectors.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *