Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda entry sa MMFF 2020, kumalas

INILABAS na ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival  ang listahan ng mga pelikulang ipalalabas sa taunang pista ng pelikulang Filipino.

Kapansin-pansing wala sa listahan ang Praybeyt Benjamin 3, isa sa mga naunang inanunsiyong pelikula, na bida si Vice Ganda.

Sinasabing kumalas ang pelikula sa MMFF, kasama ang dalawang iba pang pelikula, dahil sa samo’tsaring isyu, ayon sa festival organizers.

Noong Hulyo, pinaringgan ni Direk Erik Matti ang pamunuan ng MMFF 2020 dahil sa pagsali nito sa lineup ng Praybeyt Benjamin 3. Ayon sa direktor, tila walang natutuhan ang industriya ng pelikula sa gitna ng pagsasara ng ABS-CBN at paglaganap ng streaming ng foreign films.

Nauna namang napaulat na ayon sa mga source sa Star Cinema, hindi talaga kakayanin ng production team ng Praybeyt Benjamin 3 na mag-shoot, gawa ng mga restriction sa rami ng tao sa set gawa ng Covid-19.

Sayang at wala na ang pelikula ni Vice sa MMFF 2020. Ang mga batang fans ni Vice ay siguradong malulungkot.Nasanay na kasi sila na tuwing Pasko ay may napapanood silang pelikula ng dyowa ni Ion Perez.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …