Sunday , December 22 2024

Solons na sabit sa korupsiyon walang isang dosena – Palasyo

WALA pang isang dosena ang mga kongresista na sangkot sa katiwalian, sabi ng Palasyo.

Gaya ng kanyang among si Pangulong Rodrigo Duterte, ayaw rin pangalanan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica ang ‘less than 12’ na kongresista.

“‘Yung exact number is less than 12 ang alam ko na na-submit sa Pangulo na nakita namin after validation. Kailangan maimbestigahan ito nang pormal,” ayon kay Belgica sa panayam ng CNN Philippines kahapon.

Sa kabila nang pagdawit sa korupsiyon sa hindi tinukoy na mga mambabatas, aminado si Belgica na kailangan pa nila ng matitibay na ebidensiya laban sa mga kongresista.

“We need solid documents. We need probably forensic,” paglilinaw niya.

Aniya, ang mga mambabatas ay sabit sa ilang maanomalyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pero hindi puwedeng imbestigahan ng PACC dahil ang mandato ng ahensiya ay sakop lamang ang presidential appointees at hindi ang mga halal na opisyal gaya ng mga mambabatas.

“In the course of our investigation, some of it, merong mga gaya ng isa naming witness nagsasabi tungkol nga sa connivance, porsiyentohan, which involves of course DPWH, contractors,” sabi ni Belgica.

“Tapos, merong ilang nagsasabi merong mga parte ang mga legislators, hindi lahat, for specific projects,” dagdag niya.

Ang pagsisiyasat aniya ay kailangang isagawa ng “competent authorities” gaya ng Office of the Ombudsman, Department of Justice, at National Bureau of Investigation.

Tumanggi siyang banggitin kung kaalyado ni Pangulong Duterte ang mga mambabatas na tiwali dahil hindi nakasentro sa partido politikal ang kanilang imbestigasyon.

Matatandaan na hindi binasa ng Pangulo ang isinumiteng listahan sa kanya ni Belgica sa dahilang hindi umano sakop ng sangay ng ehekutibo ang mag-imbestiga sa mga taga-lehislatura at hudikatura na co-equal branch.

Pero harapang kinontra siya ni Justice Secretary Menardo Guevarra at inilinaw na ang iniimbestigahan ng PACC o ng task force against corruption ng DOJ ay ang partikular na transaksiyon at sinoman ang mabibistong sangkot sa korupsiyon dito ay sisiyasatin kahit kongresista sila.

Magugunitang sa pamosong pork barrel scam, ang DOJ na bahagi ng executive branch ang nagsulong ng imbestigasyon sa maling paggamit ng mga mambabatas sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nagresulta sa pagkabilanggo nina senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla, Janet Lim Napoles, Gigi Reyes at pagsasampa ng mga kaso laban sa ilang kasalukuyan at dating mambabatas , at iba pang personalidad. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *