Saturday , November 16 2024

Rep.Romero: Eddie Garcia Bill, dapat maipasa agad sa Senado

HINIMOK ni House Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang mga kasamahang mambabatas sa Senado na maipasa agad ang Eddie Garcia Bill o House Bill No. 7762 na naglalayon mabigyan ng proteksiyon ang mga manggagawa sa telebisyon, radyo at pinikalakang tabing kahapon.

“Kailangan po natin bigyan ng seguridad ang mga manggagawa sa showbiz maging ang mga nasa likod ng camera. Manggagawa na kailangan masigurado ang health standards para sa kanilang kapakanan,” pahayag ni Romero.

Nauna nang nakapasa sa Kongreso sa final at 3rd reading ang panukala ni Romero, na stepson ng yumaong batikang aktor na si Eddie “Manoy” Garcia.

Pumanaw si Garcia sa pagkakaratay sa ospital nang mapatid sa kable habang nasa taping ng isang tele-serye noong nakaraang taon.

Ang panukala ay mag-oobliga sa mga employer o producer na magbigay ng employment contract o tamang kontrata sa mga employado nito.

Bukod dito, magkakaroon din ng benepisyo tulad ng PhilHealth at kailangang maibilang sa minimum wage salaries.

“This is Tito Eddie’s eternal legacy. Sa kanyang mahal na industriya kung saan ibinuhos niya ang 70 taon ng kanyang buhay. Ito ay para sa kanya. Ang pagkawala niya ay magiging kaligtasan ng maraming buhay,” dagdag ni Romero.

Sa kasalukuyan, libo-libo na ang naghihintay at kabilang sa mga humiling sa Senado na maisulong at maisabatas ito sa lalong madaling panahon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *