Saturday , November 16 2024

Bilyones na infra funds ng DPWH lagot sa PACC

NAGBANTA ang Presidential Anti Crime Commission (PACC) na magpapatuloy ang imbestigasyon sa maanomalyang transaksiyon sa paggamit ng pondo, kasama na rito ang pakikipagsabwatan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga kongresista na kukuha ng kickbacks sa infrastructure projects.

Ang resulta ng imbestigasyon ay kanilang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng expose’ ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na nasa P650 milyon hanggang P15 bilyon ang infrastructure funds na matatanggap ng bawat isang kongresista sa 2021 national budget.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, hihingin nila kay Sen. Panfilo Lacson ang listahan ng mga infrastructure projects sa distrito ng mga mambabatas at kanilang babantayan kung may korupsiyon sa pagpapatupad nito lalo sa mga big ticket projects na pinaglaanan ng bilyong government funds.

“Sisilipin namin ‘yung DPWH budget, ‘yung mga anomalous transactions ang iimbestigahan namin. Our jurisdiction covers presidential appointees, but it was during the course of the investigation that some congressmen were implicated. Not all but some. Trabaho lang po kami. Kung ano po ang lumabas sa aming imbestigasyon ‘yun lang ang aming irereport. Walang pilian, walang diinan, sa totoo lang. Tama po si Pangulo na wala kaming jurisdiction sa congressmen kaya kung may makuha kaming involvement ng mga congressman sa aming imbestigasyon ay ipapasa namin sa Ombudsman at sa Task Force for proper investigation,” paliwanag ni Belgica.

Sinabi ni Belgica, sa kanilang nauna nang isinumiteng report kay Pangulong Duterte kanilang tinukoy ang mga corrupt congressman at ito pa rin ang kanilang gagawin.

Aniya, makikipagtulungan din ang PACC sa Office of the Ombudsman kung kinakailangan para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga corrupt na mambabatas.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi nya papangalanan ang mga congressman na nasa PACC report dahil wala ito sa kanyang hurisdiksyon gayonpaman ay kanyang ipapasa ang naturang report sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman para sa matibay na paghahain ng kaso laban sa mga tiwaling government official.

Kinompirma ng PACC na nakakatanggap ng 10%  hanggang 15% komisyon ang mga kongresista sa infra projects na ginagawa ng DPWH, ani Belgica sa laki ng komisyon ng mga kongresista sa mga proyekto bukod pa sa porsiyento din ng mga tiwaling DPWH officials, mga contractor at district engineers ay halos 50% na lang ang napupunta sa project cost na dahilan kung bakit maraming substandard na mga proyekto.

Gayondin ang pahayag ni Lacson, aniya, maraming contractor ang umiiyak dahil sa pambabraso ng mga congressman na makuha ang kanilang kickbacks, bagamat hindi nito nilalahat ay marami umanong congressman na ang kita lang sa mga infra projects ang inaatupag.

Samantala sinabi ni Lacson hindi pa tapos ang kanyang pagharang sa naglalakihang infrastructure budget ng mga congressman, bagamat tinapos na ng Senado ang period of debates para sa P4.5 trilyong 2021 national budget ay hindi nangngahulugang nakalusot na ang ‘insertions’ na ginawa ng House Leadership.

Aniya, maaari pa rin mabago at patuloy niyang kukuwestiyonin sa bicameral conference meeting ang mga isiningit na budget.

Una nang ibinunyag ni Lacson na kanilang napuna ang malaking isiningit sa infrastructure budget ng Kamara nang maupo si House Speaker Lord Allan Velasco na inihalimbawa ang isang distrito na mula sa P9 bilyong orihinal na budget pero nang magpalit ng liderato ang Kamara ay naging P15 bilyon habang ang isa naman ay P4 bilyon pero nadoble bigla.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *