Saturday , November 16 2024

Bakuna kontra CoViD-19, ‘bitin’ sa Duterte admin (Para sa 60-M Pinoy)

HINDI kayang tapusin ng administrasyong Duterte hanggang magwakas ang termino sa 30 Hunyo 2022 ang target na pagbabakuna sa 60 milyong Filipino kontra CoVid-19.

Inamin ni National Task Force against CoVid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna sa target na 60 milyong Filipino.

Ayon kay Galvez, dalawa hanggang 30 milyong katao lamang ang kayang mabakunahan kada taon.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 60 milyong Filipino para magkaroon ng herd immunity.

Sinabi ni Galvez, sa katapusan ng 2021 o sa 2022 pa maaaring masimulan ang pagbabakuna.

Mayroon na aniyang listahan ang pamahalaan na 35 milyong Pinoy ang bibigyan ng prayoridad na bakuna.

Batay aniya ito sa isinumiteng listahan ng Department of Health (DOH).

Uunahing turukan ng bakuna ang mga nasa National Capital Region, CALABARZON, Central Luzon, Davao, Cebu, at Cagayan de Oro na nakapagtala ng mataas na kaso ng CoVid-19.

“Ang pinakauna nga is healthcare workers at saka ‘yung frontliners. Kasama po sa frontliners ay mga police at sundalo, at saka ‘yung ating mga serviceman,” ani Galvez.

“Kasama rin po rito ang essential workers ng DSWD, DepEd, at government agencies, at ‘yung sinasabi nating vulnerable, poor communities,” dagdag niya.

Sa ngayon, nakikipagnegosasyon na ang pamahalaan sa mga kompanyang AstraZeneca, Sinovac, Biotech at Pfizer para sa pagbili ng bakuna.

Nauna rito’y inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na may budget na $25 bawat Pinoy o P73 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa bakuna ng 60 milyong Filipino. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *