Saturday , November 16 2024

Sektor ng mahihirap at mahihina prayoridad sa CoVid-19 vaccine — Go

BUNSOD ng mga positibong development sa mga potensiyal na bakuna para labanan ang coronavirus disease 2019 (CoVid-19), binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng mahusay na plano, komu­nikasyon at implemen­tasyon ng national vaccination program upang magarantiyahan ang pagkakaroon ng pantay-pantay na access at sistematikong pro­bisyon sa sandaling available na ang ligtas at epektibong bakuna para sa mga mamamayan.

Iginiit ni Go ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing prayoridad ang mahihirap at mga taong mahihina sa virus sa sandaling nariyan na ang bakuna, at sinabing, “Huwag nating pabayaan ang mga mahihirap.”

“Pantay-pantay dapat ang access at hindi lamang ang mga may kaya sa buhay ang makakukuha ng vaccine. Siguruhin nating magka­roon ng access ang mga pinaka­nangangailangan, lalo ang mahihirap at vulnerable sectors. Sila ang kailangan lumabas at magtrabaho upang buhayin ang pamilya nila,” anang Senador.

Bukod sa pagtitiyak na mayroong sapat na pondo para sa pagbili ng bakuna, nanawagan rin ang senador sa pamaha­laan na magkaroon ng full implementation ng nationwide information at education campaign hinggil sa vaccination plan.

“Huwag nating pabayaan ang mga ordinaryong Filipino. Bigyan rin dapat ng tamang impormasyon ang publiko ukol dito para maiwasan ang pagkalat ng fake news,” aniya.

Giit ng Senador, “hindi lang naman ito usapin ng pagkakaroon ng bakuna.  Kailangang paghandaan din ang storage, logistics and transportation ng mga bakunang ito. Mahalaga na nakaaabot sa mga dapat makatanggap — kasama na riyan ang frontliners at mga kababayan natin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.”

Bilang chairperson ng Senate Health and Demography Committee, hinikayat ni Go ang pamahalaan sa pama­magitan ng Department of Health (DOH) na planohin agad ang sistematikong probisyon ng CoVid-19 vaccine, lalo na’t magkakaroon ng posibilidad na maging limitado ang supply nito, dahil may sapat aniyang panahon upang maisaga­wa ito.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *