Saturday , November 16 2024

Airport police official nasa drug list ni Duterte — PDEA

KINOMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isang Airport police official ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa liham ni PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS) Director Edgar Jubay kay MIAA Assistant General Manager (AGM) retired B/Gen. Romeo Labador, kinompirma ng una na isang airport police official, kinilalang si alyas Jong Mi, ang nasa Inter-Agency Drug Information Database o mas kilala sa tawag na Duterte’s Drug List.

Tiniyak ng PDEA na makikipagtulungan sila sa tanggapang pinamu­munuan ni Labador, ang Security and Emergency Services (SES) ng MIAA, kaugnay ng mga impormasyong hawak at nakakalap nila.

Nakipag-ugnayan ang SES-MIAA sa PDEA dahil sa nakakalap na impormasyon hinggil sa pagkakasangkot ng kanilang airport police official na kinilalang isang alyas Jong Mi.

Bilang isang airport police official, malawak ang lugar at mga tangga­pangang puwedeng punta­han ni alyas Jong Mi, lalo’t siya ay nasa gawaing  paniniktik at pangangalap ng impormasyon.

Itinalaga rin umano ang nasabing airport police official bilang enkargado ng kanilang dibisyon.

Nangangamba ang MIAA at PDEA na posibleng nagagamit ni alyas Jong Mi ang kanyang impluwensiya at lawak ng lugar na maaaring ikutan sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kanyang pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Noong taong 2012, sinabing si Jong Mi ay nakabaril ng kanyang kabaro sa NAIA terminal 1.

Nasugatan sa kaliwang binti ang nabaril na airport police dakong 7:00 pm noon batay sa ulat ni PO3 Paul Armas.

Sa ulat, sinabing ang baril na nagamit ni alyas Jong Mi sa kanyang kapwa airport police ay hindi niya pag-aari at naka-isyu sa ibang pulis.

Dinampot umano ni alyas Jong Mi ang baril saka inilagay malapit sa X-ray machine habang kinakapkapan ang mga pasahero. Hindi iniulat kung paano nabaril ni Jong Mi ang kapwa pulis.

Naganap ang nasabing insidente noong panahon ni dating MIAA General Manager Jose Angel Honrado.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *