Saturday , November 16 2024

Vice mayor inireklamo sa ‘online game show’

INIREKLAMO ang bise alkalde ng San Pascual, Batangas sa Office of the Ombudsman, Department of Interior and Local Government, at sa Civil Service Commission, dahil sa sinabing paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, dahil sa ginawang “online game show” habang nasa oras ng trabaho.

Sa tatlong-pahinang reklamo na ipinadala sa tanggapan nina Ombudsman Samuel Martires, DILG Secretary Eduardo Ano, at CSC Chairperson Alicia Dela Rosa Bala, hiniling na agad patawan ng preventive suspension si San Pascual, Batangas Vice Mayor Isagani “Willy” Dimatactac, Konsehala Lanifel Manalo at iba pang kasama sa “online game show.”

“After due notice and hearing, judgement be rendered ordering the dismissal from service respondent Vice Mayor Isagani “Willy” Dimatactac, Councilor Lanifel Manalo for Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, together with the cancellation of all his eligibilities, forfeiture of his retirement benefits, perpetual disqualification from public office and taking civil service examinations,” ayon sa reklamo.

Sinabi sa reklamo na nag-post ng imbitasyon sa Facebook si Dimatactac para sa tinatawag “Pandemya Online Game” na siya ang host at sponsor ng premyo.

“While ordinarily this kind of activity is welcomed during pandemic, this is sanctioned and strictly prohibited if done during office hours. The civil service commission has declared that this is illegal and against the law,” ayon sa reklamo.

Maituturing umano itong pag-aaksaya sa panahon at pera ng gobyerno.

“The abuse of power and wanton disregard and wastage of government time and resources, that warrant dismissal from service together with the cancellation of their eligibilities, forfeiture of his retirement benefits, perpetual disqualification from public office,” saad sa reklamo.

Sinubukan kuhaan ng pahayag ang kampo ni Dimatactac pero hindi pa tumutugon habang isinusulat ang balita.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *