Saturday , November 16 2024
Stab saksak dead

Estudyante natagpuang patay sa Quezon (Naghahanap ng signal para sa online class)

WALA nang buhay, walang damit, at may mga saksak sa katawan nang matagpuan ang isang Grade 7 student sa bayan ng San Narciso, sa lalawigan ng Quezon, na sinasabing nagpaalam maghanap ng signal para sa cellphone para sa kaniyang online class, nitong Biyernes, 20 Nobyembre.

Ayon sa lolo ng biktima, nagpaalam sa kaniya ang biktimang kinilalang si Vee Anne Banico, 12 anyos, upang magtungo sa masukal na bahagi ng bundok sa Barangay Punta dahil gusto niyang mag-online upang makausap ang kaniyang guro tungkol sa kanilang module.

Matapos ang isang oras, hinanap nila ang biktima at natagpuang wala nang buhay, hubo’t hubad, at may mga saksak ng kutsilyo sa katawan.

“Ako naman ay nakikiusap sa iyo na panagutan mo ang ginawa mo sa aking apo. Sapagkat pinigil mo ang kaniyang magandang turo e, ang future niya,” ani Vicente Banico, ang lolo ng biktima, na nakikiusap sa suspek na sumuko at panagutan ang nagawang krimen.

Isinailalim sa awtopsiya ang labi ng biktima habang patuloy na nag-iimbestiga ang mga awtoridad kaugnay sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *