Thursday , December 26 2024
Senate BGC bldg money

P10-B gastos sa senate bldg ‘wag gamitin sa isyu ng DDR (Buwelta ni Sotto)

BINUWELTAHAN ni Senate President Tito Sotto si Albay Rep. Joey Salceda at sinabihang “unfair”na punahin nito ang Senado sa paggasta ng P10 bilyon para sa ipinatatayong bagong gusali ng senado sa Bonifacio Global City habang ang P2 bilyong gagastusin para sa pagtatatag ng kinakailangang Department of Disaster Resilience (DDR) ay kanyang tinututulan.

Ayon kay Sotto, hindi patas na ikompara ang ginastos sa Senate building dahil wala itong kinalaman sa isyu ng pagtatayo ng ibang departamento.

Depensa ni Sotto, hindi naman ang mga kasalukuyang nakaupong Senador ang makikinabang sa modernong gusaling ipinatatayo kundi ang susunod na Senado na makatitipid nang malaki kompara sa uupa pa sa GSIS ng P171 milyon kada taon.

“Walang kinalaman ‘yon sa pagtatayo ng ibang departamento. It’s not fair to include that. Magkaiba ‘yon, e. Huwag niyang idikit ‘yon. Hindi naman kami ang huling makikinabang dito, ‘yong mga darating pang Senado. Imbes nagbabayad sila, may sarili na silang building,” patuloy na depensa ni Sotto.

Hindi naiwasan ni Salceda na batikusin ang Senado na tumututol sa pagbuo ng DDR na ang katuwiran ay kawalan ng pondo, giit ni Salceda, kung nahanapan ng P10 bilyon ang Senate building, dapat bukas din sa paggasta sa DDR na tutugon sa problema ng bansa sa panahon ng kalamidad.

Sa kabila ng pagtutol ng Senado, nanindigan ang Kamara na dapat isabatas ang DDR, bukod sa priority bill ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ay may pangangailangan para magkaroon na ng isang ahensiya na tututok sa mga kalamidad.

Sa panig ni Surigao del Sur Rep Ace Barbers, kung magkakaroon ng DDR ay magkakaroon ng direksiyon tuwing may kalamidad at hindi nagtuturuan at nagsisisihan.

Gayondin ang posisyon nina House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez at TINGOG party-list Rep. Yedda Marie Romualdez na nagsabing mababawasan o tuluyan nang mawawala ang bureaucratic red tape na nagiging sanhi ng delay sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Ngunit para sa Senado, kahit ipilit pa ng mga kongresista ay hindi magandang ideya ang DDR at mas marami pang senador ang nagpahayag ng pagtutol dito.

Bukod kina Sotto, mga senador na sina Franklin Drilon, Dick Gordon, at Panfilo Lacson naniniwala rin si Sen. Sherwin Gatchalian na dapat munang pag-aralan nang mabuti ang panukalang pagbuo ng DDR.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na sa ipinapanukalang DDR ay magiging centralized ang approach kompara kung ang palalakasin sa disaster response ay ang local government units (LGUs).

“Naging mayor din ako ng 9 years, ayaw natin ng isang napakabigat na centralized approach dahil kung lahat ng desisyon o tulong ay manggagaling pa sa Metro Manila ay talagang huli na. Hindi lang pondo ang problema rito, ang konsepto din. Gusto ba natin centralized o decentralized. Ang pananaw ng mga senador dapat nasa LGU ang kakayahan,” paliwanag ni Gatchalian.

Ang panukalang pagbuo ng DDR ay isa sa priority measures ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address, agad itong naipasa sa Kamara sa huli at ikatlong pagbasa noong 21 Setyembre sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa loob ng halos isang buwan ay limang malalakas na bagyo ang pumasok sa bansa kabilang ang bagyong Ofel, Quinta, Rolly, Tonyo, at Ulysses na partikular na napuruhan ang Bicol Region at Metro Manila.

Ani Salceda, sa nagdaang mga bagyo ay kitang-kita ang kahinaan sa pagtugon ng bansa sa kalamidad.

Sa malamyang pagtugon pa rin ng Senado sa panukala na apat na beses nang sinabi ng Pangulong Duterte, umaasa na lamang umano si Salceda sa political leadership ng administrayon at umaasa siyang gagamitin na ang puwersa ng Duterte Coalition sa Senado para maisabatas ito.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *