BINAWIAN ng buhay ang lima-katao habang nawawala ang siyam na iba pa sa isang landslide sa mga sitio ng Kinalabasa, Compound, at Bit-ang, sa Barangay Runrunu, bayan ng Quezon, sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, nitong Huwebes ng hapon, 12 Nobyembre.
Sa paunang ulat mula kay PRO2 Information Officer P/Lt. Col. Andree Abella, naganap ang pagguho ng lupa sa Barangy Runrunu dakong 4:00 pm.
Sinabi ng isang residente, lumambot ang lupa dulot ng patuloy na pag-ulang dala ng bagyong Ulysses.
Nabatid na ang mga bahay na natabunan ng putik at mga bato ay gawa sa light materials.
Naitala anng tatlong patay sa Sitio Bit-ang at tig-isa sa Sitio Kinalabasa at Sitio Compound.
Nawawala ang anim na residente mula sa Sitio Bit-ang, at tatlo sa mula sa Sitio Compound.
Patuloy na nagsasagawa ng search, rescue, and retrieval operations ang mga tauhan ng Quezon Municipal Police at NVPPO sa pangunguna ni P/Col. Ranser Evasco, acting provincial director; at ng PDRRMC ng Nueva Vizcaya.