Wednesday , January 8 2025

Doktor, PSG itinuro ni Duterte

HINDI pinapayagan ng kanyang mga doctor at security na lumabas sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi siya mahagilap sa kasagsagan ng mga nagdaang bagyo.

Nag-viral muli sa social media ang hashtag #NasaanAngPangulo habang binabayo ng bagyong Ulysses, at lubog sa baha at landslide ang iba’t ibang bahagi ng bansa kahapon.

“There are those who say that we’re not doing anything or we’re sleeping [on the job], we hardly couldn’t sleep here. As I talked to you now, I just delivered the ASEAN Philippine message. I am attending a summit of the ASEAN,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang public address kahapon.

“My problem is, those who are guarding me. The PSG , the doctors, they said I couldn’t leave. I said, ‘I want to show myself to the people,’” aniya.

Katuwiran umano ng PSG, kailangan tiyakin ang kaligtasan ng Pangulo.

“I said, ‘Nevermind, anyway there’s the vice president. That’s why there is someone in that position.’ They said, ‘There are a lot of officials outside, but there is only one president,” dagdag niya.

Pabirong sinabi ng Pangulo, gusto niya sanang lumangoy sa baha kasama ng mga biktima ngunit hindi siya pinahihintulutan ng mga sundalo.

“I really want to go out; I want to swim. I haven’t swam for a long time. But these soldiers wouldn’t allow me.”

May mga netizen na nairita na ginawa pang biro ng Pangulo ang kalbaryo ng mga mamamayan sa baha tuwing may malakas na bagyo.

Hindi nakontento ang ibang netizen sa “NasaanAngPangulo, ginamit din nila ang hashtag #OustDuterteNow upang ipakita ang galit sa tila kawalan ng preparasyon ng national government sa bagyong Ulysses.

Ipinagmalaki ng Pangulo ang bagong ‘assets’ ng gobyerno na puwedeng gamitin sa rescue operations sa panahon ng kalamidad.

Matapos ang public address ay nagsagawa ng aerial inspection si Duterte sa Pasig City, Marikina City at Rizal upang makita ang lawak ng pinsala ng bagyo.

Nanatiling suspendido ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at mga klase sa public schools sa lahat ng antas sa Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera Administrative Region at National Capital Region. (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Ma. Thea Judinelle Casuncad

Miss Laguna wagi bilang Miss Supermodel Worldwide 2024

RATED Rni Rommel Gonzales NAKU Mareng Maricris Valdez, proud kami dahil tulad namin ay taga-Laguna …

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *