NANAWAGAN si House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera sa Department of Finance (DOF) na suspendihin ang pagpataw ng 12-porsiyentong value-added tax (VAT) sa low-cost housing habang ang bansa ay nasa panganib ng kahirapan sa ekonomiya dulot ng pandemyang CoVid-19.
Nagkaroon ng palugit na tatlong taon sa VAT ang low-cost housing sa ilalim ng Republic Act 10963, o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law pero matatapos na ito sa 31 Disyembre.
Ayon sa kinatawan ng Bagong Henerasyon partylist sa kongreso suportado niya ang apela ng Chamber of Real Estate & Builders’ Associations Inc. (CREBA) na suspendihin ang VAT sa low-cost housing.
“We are hoping that the DOF, led by Secretary Sonny Domiguez, will find a way to help low-cost housing developers and buyers by directing the Bureau of Internal Revenue to suspend the VAT on the sector until this public health crisis is over,” ani Herrera.
“The suspension will also provide the country’s real estate and housing industry the much-needed economic stimulus to fully and immediately recover from the effects of the pandemic,” dagdag niya.
Base sa TRAIN law, ang mga bumibili ng residential lots na nagkakahalaga ng hanggang P1.9 milyon at house and lot na nagkakahalaga hangang P3.2 milyon ay libre sa pagbabayad ng VAT. Pagdating ng Enero sa sunod na taon ‘yung mga nagkakahalagang P2 milyon pababa ay magiging libre sa VAT.
Nagbabala si Herrera na ang pagpataw ng VAT sa low-cost housing ay magbibigay kabiguan sa mga pinoy na nasa lower middle-income earners na makabili ng mga panaginip nilang bahay.
“Many Filipinos who were forced to defer plans to buy homes due to the pandemic would suffer the brunt of the VAT on low-cost housing,” ani Herrera.
Anang kongresista, kinikilala ng Saligang Batas ang pabahay bilang isang karapatang pantao.
“The right to adequate housing ensures that people enjoy physical and mental health and live in a safe place in peace and dignity,” giit ni Herrera.
Aniya, ang pagkakaroon ng sariling bahay ay napapanahon ngayong may CoVid.
“With COVID-19, making homes in decent and safe communities is not only necessary but a matter of survival,” aniya.
Paliwanag niya ang ang mga mamimili ng low-cost housing units ang papasan ng bigat ng VAT.
Ayon sa CREBA, ang 12 porsiyentong VAT na nagkakahalaga ng P360,000 para sa P3.2 milyong bahay ay magiging P1 milyon sa loob ng 30-taon pagkakasangla.
Paliwanag ng CREBA, ang VAT ay magdudulot ng malawakang pagbagal ng sektor sa pabahay dahil hindi na ito abot-kaya ng nga nararapat na magbenepissyo sa programang ito. (GERRY BALDO)