Sunday , December 22 2024
BoC PDEA

PDEA, BoC bubusisiin sa Kamara

PINAIIMBESTIGAHAN ni ACT-CIS Representative Eric Yap ang Bureau of Customs (BoC) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagkabigong matiktikan ang ilegal na droga sa aluminum pallets na idineklarang tapioca starch.

Sa House Resolution No. 1330, inatasan ni Yap ang  House Committee on Dangerous Drugs, na pinamumunuan ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers, na imbestigahan ang smuggling ng ilegal na droga na naka-consign sa Goroyam Trading.

Noong Mayo 2019, 114 bars ng shabu ang namataan sa Goldwin Commercial Warehouse sa Barangay Santolan, Malabon City.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nagkakahalaga ng P 1,162,800,000 ang kontrabando.

“Higit isang taon na mula noong may nadiskubreng drugs sa shipment na dapat ay tapioca starch ang laman, pero hindi pa rin napapanagot ang mga responsableng tao sa kapabayaang ito. Ang nangyari dito, dumating ‘yung shipment ng January 2019. Tapos dahil ‘di nakapag-file ng import entry pass ang consignee sa Customs, napunta ito sa pabor ng gobyerno,” ani Yap.

“May natanggap na impormasyon na baka may droga na nakatago sa shipment kaya ipinatawag ang Customs at PDEA officers noong March 2019 para suriin at kompirmahin kung may droga nga ito. Sa ipinasang report, inilagay na ang laman ng shipment ay walang marka ng kahit anong dangerous drugs, controlled precursors, o essential chemicals,” anang partylist congressman.

“Dahil cleared, ini-auction ito at nanalo ang Goldwin Commercial. Ilang araw pa lang mula noong ini-deliver ito sa Goldwin noong May 2019, inireport nila sa Customs na may nakita silang white crystalline substance na lumabas sa aluminum pallet. Nang muling sinuri, positive ito sa droga,” dagdag ng mambabatas.

“Ang problema rito, sinuri ito bago i-auction tapos cleared. Pero noong sinuri muli, biglang positive na sa droga? Siguradong may kapabayaan na nangyari rito. Paano nakalagpas sa Customs ito? Bakit ini-report ng PDEA na cleared ito kung napatunayan na naglalaman ng droga ang shipment? Sino-sino ang responsable dito?” tanong ni Yap.

“Paano na tayo kung ang inaasahan nating ahensiya na magbibigay proteksiyon sa mga Filipino, sila pa ang nangunguna sa panloloko sa atin? Tututukan natin ito hangga’t may mapapanagot. Ating inihain ang House Resolution No. 1330 para mismo ang Kongreso ang mag-imbestiga at mabigyan ng kasagutan ang mga tanong natin. Kailangan linisin ang mga ahensiyang pugad ng korupsiyon at panloloko. Walang makaliligtas sa ating pagbabantay,” aniya. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *