Sunday , November 17 2024

Maskaradong rider nagwagi sa Tour de France

SA MASASABING kauna-unahang pagkakataon sa mahabang kasaysayan ng Tour de France, nakasuot ang nagwaging siklista ng kulay dilaw na face mask para pumarehas sa iconic jersey ng kampeon habang nakatindig sa podium para tanggapin ang kanyang tagumpay.

Sa kabila ng patuloy na pananalasa ng pandemya ng coronavirus sa bansa, nagpatuloy ang premyadong cycling tournament at may naideklara namang kampeon sa gitna ng mga bantang nabalam ito o nahinto dahil sa lumolobong bilang ng kaso ng CoVid-19 sa bansang France.

Tatlong lingo makalipas, nang magsimulang sumikad ang 21-anyos na si Slovenian Tadej Pogacar kasabay ng 175 pang siklistang katunggali, walang nakasisiguro kung makokompleto ang torneo sa gitna ng lumalalang epidemya at kung makaaabot ang karera sa kabisera ng bansa sa lungsod ng Paris.

“Really, I was scared we wouldn’t get to the end,” wika ni race director Christian Prudhomme nang magwakas na ang sikaran.

At dito na nga itinanghal si Pogacar hindi lang pinakabatang kampeon ng Tour de France sa 116 na taong pagtatanghal nito kundi simbolo rin ng katatagan at hindi pagsuko sa virus.

Sa pagwawagi ng Slovenian, naghiyawan ng “Bravo!” ang mga nakasaksi ng panalo na nasa kani-kanilang balkonahe — ngayon hindi para sa mga medical frontliner kundi sa bagong kampeon ng torneo.

Para kay Pogacar, mas naging maliwanag ang kanyang kinabukasan sa kanyang tagumpay sa bisperas ng kanyang ika-22 kaarawan at sa pagtatagumpay niya sa 3,482 kilometrong (2,164 miles) karera, siya ngayo’y isa nang cycling superstar, isang Tour rookie na ang husay ay nagbigay ng panalo sa kanya sa unang paglahok pa lang sa torneo.

Siya ang kauna-unahang kampeon ng Slovenia at ikalawang pinakabatang nagwagi ng Tour, kasunod kay Henri Cornet, na 19 anyos lang nang mapanalunan ang korona noong 1904.

Nakakubli man ang kanyang ngiti ng kanyang suot na mascara, hindi maitago ito sa kislap ng kanyang mga mata.

“This is just the top of the top. It’s been an amazing three-week adventure,” aniya.

Ayon sa isa sa masugid na tagasuporta ng pandemic-defying na Tour de France na si French president Emmanuel Macron: “Even in September, the Tour de France is magic!” — sa paglalarawan ng demolisyon ni Pogacar sa kanyang mahigpit na karibal na si Primoz Roglic. (TRACY CABRERA)

 

 

About Tracy Cabrera

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *