Thursday , December 19 2024

Buwis sa pagkain ng karne hiniling ng mga siyentista (Para sa pagsugpo ng pandemya)

MAGUGUSTUHAN kaya ng mga Pinoy ang pagpataw ng buwis sa livestock production at pagkonsumo ng karne — sa gitna ng pandemyang coronavirus, paghina ng ekonomiya, at iba pang mga problemang kinakaharap ng ating bansa?

 

Ngunit ayon sa mga international health expert, makabubuti kung ang ating mga policymakeray pag-iisipan ang pagpataw ng ganitong uri ng buwis para mabawasan ang banta ng pagkakaroon ng iba pang nakamamatay na pandemya sa darating na panahon kasabay ng pagbibigay proteksiyon sa ating kalikasan.

 

“Overconsumption of meat… (is) bad for our health. It’s unsustainable in terms of environmental impact. It’s also a driver of pandemic risk,” pahayag ng zoologist na si Peter Daszak sa isang pag-aaral na inilunsad ng US-based group na EcoHealth Alliance.

 

Ipinaliwanag ni Daszak, lumitaw ang mga outbreak ng mga influenza virus at bagong pandemic strain sanhi ng “laganap na produksiyon ng poultry at baboy sa ilang bahagi ng mundo na bunsod ng global consumption patterns.”

 

“Breeding cattle for beef is another well-known cause of deforestation and ecosystem destruction in Latin America,” dagdag ng zoologist.

 

Babala sa bagong pag-aaral na lilitaw ang mga pandemya nang mas madalas, kakalat nang mas mabilis, at papatay ng mas maraming tao kaysa coronavirus disease 2019, o CoVid-19, kung hindi kikilos para mapatigil ang pagkasira ng ating kapaligiran at nagiging dahilan ng paglundag ng mga virus mula sa mga hayop tungo sa mga tao.

Hiniling din sa mga pamahalaan na paigtingin ang inisyatibo para makaiwas sa mga pandemya imbes tumugon matapos na tumama sa populasyon.

 

Sumang-ayon ang Dutch scientist na si Thijs Kuiken, isa sa 22 international expert na kabilang sa nagsagawa ng pag-aaral, na makatutulong kung magbabawas ang mga tao sa pagkonsumo ng karne.

 

“Changing your diet so that you have a sensible consumption of meat is really important for reducing the risk of pandemics and for conserving biodiversity and nature,” kanyang ipinayo.  (TRACY CABRERA)

 

About Tracy Cabrera

Check Also

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *