Sunday , July 20 2025

House leadership hinamon maglabas din ng SALN

MATAPOS isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), hinamon din ni Act Teachers Partylist Rep. France Castro ang mga kapwa mambabatas sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco, House Majoriy Leader Martin Romualdez at iba pang matataas na opisyal ng Kamara na ilantad din ang kanilang assets alinsunod sa itinatakda sa Republic Act 6713 (An Act Establishing a Code of Conduct and Ethical Standards for public officials and employees).

Ayon kay Castro, dapat ang mga nasa public service ay may transparency at accountability at ang paglalantad ng kanilang SALN ang isa sa mainam na hakbang para ipakitang wala silang tinatago.

“In the spirit of transparency, accountability and as stated in the RA 6713, all government employees and officials including my colleagues must show to the public their SALN,” pahayag ni Castro.

Matatandaan, 5 Makabayan bloc members ng Kamara ang naglabas na ng kanilang SALN, kabilang sina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, and Eufemia Cullamat; ACT Teachers Rep. France Castro, at Kabataan Rep. Sarah Elago.

Ang pagpapalabas ng SALN ng Makabayan Bloc members ay sa harap na rin ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang buong gobyerno sa katiwalian, bilang tugon sa hamon ay nauna ang mga mambabatas sa pagpapakita ng kanilang transparency.

Sinabi ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas,  kung may sinseridad ang Pangulo na imbestigahan ang korupsiyon sa gobyerno at hindi diversionary tactics lamang ay maging modelo siya at pangunahan ang pagpapalabas ng SALN at sundan din ng iba pang opisyal ng gobyerno.

Kinastigo rin ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang ginagawang paglilimita ng Office of the Ombudsman sa pag-access sa SALN, aniya, si Ombudsman Samuel Martires ang dapat lumalaban sa korupsiyon sa gobyerno bilang pangunahing obligasyon ng kanyang tanggapan kaya nakapagtatakang tutol sila sa pagpapalabas ng SALN.

Kamakailan ay nailathala sa mga pahayagan ang pagsasampa ng kaso sa Ombudsman ng isang konsehal laban kay DPWH Regional Diretor Ronnel Tan, asawa ni Quezon Rep. Angelina Tan dahil sa pagpapakita ng sobra-sobrang yaman sa publiko.

Naghagis umano ng P2-M sa mga bisita sa kanyang birthday party, bagamat itinanggi ni Tan ang alegasyon.

Isa pa sa nais masilip sa mga SALN ang pagkakaroon ng conflict of interest ng government officials sa hindi pagdedeklara ng mga ari-arian at shares of stocks sa mga negosyo. Isa sa naging matunog sa isyu na ito si House Speaker Velasco na naiulat na may shares sa San Miguel Corp., base sa report mismo ng kompanya noong 2017 at pasok sa top 100 stockholders si Velasco at 2% shares sa Petron Corp., base sa annual report noong 2016 at isa nang Kongresista si Velasco.

Matatandaan na dalawang Supreme Court Chief Justice, sina yumaong dating Chief Justice Renato Corona at dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay kapwa napatalsik sa puwesto dahil sa isyu ng kanilang SALN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nursing Home Senior CItizen

Maling akala vs panukalang “Parents Welfare Act” klinaro

NAIS itama ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang ilang maling akala at malisyosong paratang ng …

071825 Hataw Frontpage

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng …

Antonio Carpio SC Supreme Court

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon …

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod …

Batangas Money

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *