Saturday , November 2 2024

P1.632-B droga nasabat 2 Intsik arestado

DALAWANG Chinese nationals ang nasakote ng mga awtoridad matapos lumantad para ‘kunin’ ang P1.632 bilyong halaga ng kontrabando sa isang ‘controlled delivery’ nitong 30 Oktubre 2020, sa Cabanatuan City.

Sa konsolidadong ulat ng Bureau of Customs – NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADTG) dakong 11:00 pm nitong Biyernes, inaresto ng grupo ng mga awtoridad sina Jayson Tan at James Ong, bilang ‘claimant’ ng 240 kilos ng shabu sa Cabanatuan City.

Nabatid, noong 24 Oktubre 2020, dumating ang isang cargo sa PAL-PSI warehouse malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 mula sa Malaysia at idineklarang “Work Bench Tables” ang ipinadala ng isang Ywlee ng #87 Trading of Subang Jaya, Selangor, Malaysia na sinabing ‘consigned’ sa Allejam International Trading sa Maynila.

Isinailalim ng team ng BoC at PDEA ang nasabing cargo sa X-ray scanning at 100% physical examination hanggang nalantad ang 240 kilos ng white crystalline substance na napatunayang methamphetamine hydrocloride o mas kilala sa tawag na shabu, nang suriin.

Agad nakipag-ugnayan ang Customs team at PDEA sa pamumuno ni NCR director Adrian Alvariño sa PNP Cabanatuan City at saka isinagawa ang controlled delivery operations na nagresulta sa pagkakahuli ng dalawang Chinese nationals, sa Sumacap, Sumacap Sur, Cabanatuan City.

Bukod sa 240 kilos ng shabu, nakuha rin kina Tan at Ong  ang 1 unit of Vivo smart phone, one (1) unit HONOR Smart Phone colored black, two (2) NOKIA keypad cellular phone colored gray, one (1) Honda City colored gray with conduction number E1 N497, one (1) Mitsubishi L300 Van colored white with plate number ABB 2535, one (1) Honda CRV ignition key at isang one (1) Mitsubishi L300 ignition key.

Para sa disposisyon, ipinasa na ng BoC ang shabu sa PDEA para sa profiling at case build up laban sa importer.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act.

Noong Disyembre 2019, nakipag-ugnayan ang BoC – NAIA sa PDEA at NAIA IATG kaya nasabat ang 20.8 kilos methamphetamine o shabu na nagkakahalaga ng P141.44 milyon na isiniksik sa dalawang speakers. Isa iyon sa pinakamalaking huli ng illegal drugs sa NAIA. (JSY)

 

About JSY

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *