Sunday , December 22 2024

Recreation Avenue binuksan para sa PBA Bubble Delegate

SA PANGANGALAGA ng mental health ng lahat ng bubble residents para sa season reboot ng Philippine Basketball Association (PBA), pinabuksan na ng PBA commissioner’s office ang mga avenue na makapagbibigay ng kinakailangang relaxation at recreation para sa mga delegado.

Ngunit isasailalim ang mga player, team at league official, support staff at iba pang bubble insider sa mahigpit na alituntunin para matiyak ang maayos at ligtas na pagbabalik ng aksiyon para sa ika-45 season ng liga.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, nararapat umanong matulungan ang mga kalahok na ‘ma-de-stress’ mula sa impact ng health crisis dala ng coronavirus at ang ipinatutupad na lockdown at mga quarantine protocol ng pamahalaan.

“They’re going to be here for two months, away from their families and they will be under intense surveillance. We have to help them manage their stress, anxiety and homesickness,” paliwanag ni Marcial.

Nag-aalok ng golf, swimming, at table tennis, sinabi ni Marcial na magdaragdag ng billiards at darts gayondin ng isang video game hub sa hotel kung saan ang delegasyon ng PBA ay naka-billet.

Mayroong mga plano ang host na Clark Development Corp. (CDC) para maglagay ng bike at jogging paths para maggamit ng delegasyon.

Inaasahang makatutulong ang mga recreational activity para maharap ang dalawang-buwang kuwarantina sa Clark Freeport sa pagsisimula ng Philippine Cup. Nahaharap ang lahat, partikular ang mga player, sa mahigpit na protocols na ang layunin ay panatilihin ang bubble na ligtas sa coronavirus.

Bukod sa ibang health safety measures, inihayag ni Marcial na sinumang lalabas ng bubble ay hindi papayagan makabalik. Susuriing mabuti ang mga player, mula sa minsan sa isang lingo hanggang sa kada tatlong araw habang nagpapatuloy ang torneo.

Samantala, umabot sa limang koponan ang nagsimulang maglaro sa practice court sa Angeles University Foundation (AUF) gym sa Angeles, Pampanga.

Kinabibilangan ito ng Magnolia Pambansang Manok Hotshots, Phoenix Super LPG Fuel Masters, Meralco Bolts, TNT Tropang Giga at Terra Firma Dyip.

Tracy Cabrera

About Hataw Tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *