Monday , November 18 2024

2nd WAVE NG COVID-19 MAS NAKATATAKOT

KUNG inaakala nating ‘ginhawa’ na ang pagluluwag ng gobyerno sa mga umiiral na protocol kaugnay ng mga pag-iingat laban sa coronavirus o CoVid-19, e huwag po tayong magpakampante.

Dahil sa totoo lang, ngayon ang mas nakatatakot na panahon dahil hindi naman naabot ng gobyerno ang target nilang bilang para sa swab testing.

Hindi rin natin alam kung gumana ba ang binuong ‘contact tracers’ para matukoy kung saang lugar mayroong malaking bilang ng posibleng mabiktima ng CoVid-19.

At hanggang sa kasalukuyan, hindi nalutas ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan ang tamang protocol sa pagdating sa bansa ng overseas Filipino workers (OFWs). Kaya hanggang ngayon ay mayroon pa rin nabibinbin sa hanay nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kung ‘yung Europe nga ay hindi nakaligtas sa 2nd wave ng CoVid-19, ito pa kayang Filipinas na sa totoo lang ‘e hindi makapagdeklara kung ano na ang tunay na estado ng ‘kalusugan’ ng bansa?!

May Bayanihan 1 at may Bayanihan 2 pero naramdaman ba ng mga kababayan nating higit at tunay na nangangailangan?!

Sa Europe, 20 bansa ang dumaranas ngayon ng 2nd wave ng coronavirus, pero dahil tinipon nila ang kanilang karanasan at hindi tumigil sa pag-aaral laban sa CoVid-19, nagpapatupad ngayon ang bawat bansa ng mga partikular na protocol na angkop sa kani-kanilang sitwasyon.

Kasabay nito ang pag-iingat na huwag nang lomobo pa ang mahawaan sa kanila ng coronavirus.

Dito sa ating bansa, hindi natin alam kung anong level na ba ang pagsagupa natin sa coronavirus. Anong antas na ang naabot ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.

Basta ang alam lang natin mayroong P278 bilyong inilaan ang Bayanihan 1 para sa paglaban sa coronavirus kasama na ang ayuda sa mga maralita, manggagawa, at mga empleyadong makapapasa sa rekesitos ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang ulat ng IATF, ubos na ang P278 bilyones dahil naipamahagi na umano ito sa mga kababayan nating maralita at sa iba pang nangangailangan sa pamamagitan ng DSWD, DOLE, LTO, at DOF.

Marami ang umangal dahil hindi umano sila isinama sa ayuda ng national government.

Ang Bayanihan 2 umano ay konsentrado para sa frontliners. Hanggang ngayon maraming frontliner lalo sa health sector ang nagtatrabaho para sa bayan pero hindi nila alam kung sila ay mabibiyayaan.

Hindi ba’t naging isyu pa sa ilang munisipalidad ang hazard pay na late na ngang nakuha, hindi pa kompleto.

Kaya isa lang ang masasabi natin para sa ating mga kababayan, huwag pong iasa sa pamahalaan ang kaligtasan ngayong magluluwag na ang national government sa mga itinakdang protocols.

Ipagpatuloy po ang pag-iingat. Magsuot ng mask at face shield, laging maghugas ng kamay at huwag labas nang labas o maglamyerda kung hindi kinakailangan.

Sa mga may kakayahang tumulong, tulungan po natin ang walang pambili ng mask at face shield, alcohol, sabon, at kung kaya pa kahit kaunting pagkain.

Sabi nga, ang survival sa nagbabantang 2nd wave ay pangalagaan ang ating kalusugan, palakasin ang ating immune system at higit sa lahat huwag umasa sa mga pangako ng pamahalaan.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Hataw Tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *