Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

‘My Way’ nina Isko at Jonvic

I PITY our parents and students who are trying to go through online schooling while being disturbed by karaoke noise in the background.

— Manila mayor Isko Moreno

 

BAWAL na ang paggamit ng karaoke sa Maynila — kaya iyong mga adik kumanta (tulad ng pinsan ng misis kong si Ernesto), itabi n’yo na ang inyong mikropono dahil ipinagbabawal na ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang ‘daytime karaoke’ para maiwasang mabulahaw ang katahimikan sa buong lungsod.

Nakatatawa, nakatutuwa pero sa iba, ito’y nakaiinis.

Nagpapraktis pa naman ako para sumali sa The Clash, pabirong pinunto ng isa kong kapitbahay. Agree naman dito ang pinsan ng misis ko at misis niyang si Mary.

Batay sa ordinansang inaprobahan ng Sangguniang Panglungsod ng Maynila at nilagdaan na ni Mayor Isko, bawal na ang paggamit sa umaga ng karaoke, videoke at iba pang mga “sound-producing device” na nakadidistorbo sa komunidad.

Saad sa Ordinance No. 8688: The use of all these devices will be prohibited from 7am to 5pm from Monday to Saturday. Violators will be made to pay a fine of P1,000 (US$21), P2,000 (US$41), and P3,000 (US$62) for the first, second, third, and succeeding violations, respectively.

Bunsod ito ng mga reklamong natanggap ng ating butihing alkalde mula sa mga magulang ng mga estudyante na nag-aaral ngayon sa ilalim ng blended distance learning at remote education scheme o online system ng Department of Education (DepEd).

Binigyan ng awtorisasyon ni Mayor Isko ang mga opisyal ng barangay at pulisya na ipatupad ang ordinansa.

Ang ‘karaoke ban’ sa Maynila ay kasunod ng pagbabawal din ng pamahalaang lalawigan ng Cavite sa paggamit ng karaoke at videoke ng higit sa takdang oras ng curfew. Ginawa ito ni Cavite governor Jonvic Remulla para tugunan ang reklamo ng mga residente sa lalawigan na hindi umano makatulog sa gabi sanhi ng ingay na likha ng ating mga karaoke aficionado.

Hilig man ng karamihan at paboritong pastime ito ng mga Pinoy, marahil ay sasang-ayon din naman kayo kung ipagbabawal ito dahil nakabubulahaw na sa ating pamamahinga.

Kaya aminin na nating mami-miss man natin ang paboritong awit na My Way ni Frank Sinatra, mas maigi naman siguro kung makatutulog tayo nang mahimbing sa ‘my way’ nina Mayor Isko at Gob Remulla.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …