SA GITNA ng pandemya ng coronavirus at sa pagsisimula na rin ng panahon ng tag-ulan, inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang all-out war laban sa sakit na leptospirosis sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya sa sa mga residenteng makahuhuli ng mga pesteng daga.
Ayon kay Marikina vice mayor Marion Andres, isang doktor, ibibigay ang mga pabuya sa mga taong makahuhuli ng daga makaraang maglaan ang kanilang konseho ng P50,000 pondo para sa kanilang anti-leptospirosis program.
“Many people are hunting for rats but this one gives an incentive. Some of symptoms of leptospirosis could be mistaken for CoVid-19 during diagnosis that’s why we have to focus on ridding our city of these pests so that we not only prevent our citizenry from either infection,” pagdidiin ni Andres.
Sinabi ng city health experts na kung minsan (ang leptospirosis) ay mayroong sintomas ng lagnat at pananakit ng katawan, na maaaring mapagkamalang sanhi ng CoVid-19.
Idinagdag nila na ang leptospirosis bilang isang bacterial infection ay maaaring makuha ng mga tao mula sa ihi ng daga o baka. Ang pagkakaroon nito ay maaaring humantong sa pagkasira ng kidney, meningitis, liver failure, respiratory distress at kamatayan.
Noong 2009, iniugnay ang acute complicated influenza-like illness (ILI) at rapid progressive pneumonia sa pandemya ng H1N1 pandemic ngunit lumitaw sa mga alternative final diagnosis na ang pangkaraniwan at tatlong kaso ng severe leptospirosis sa Florida at Missouri ay kahintulad lamang ng nasabing pandemya.
Sinabi rin ng bise alkalde na lahat ng mahuhuling daga ay papatayin sa pamamagitan ng paglunod sa mga kemikal.
“This is an incentive for all our countrymen; we have declared rats our public enemy number one, so we could help people be healthy,” pagtatapos ni Andres.
(TRACY CABRERA)