Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

5 katao timbog sa droga

ARESTADO ang limang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque Police Station, sa Barangay Marcelo Green, Parañaque City, nitong Martes ng gabi.

Nakompiska ang kabuuang 27 gramo ng hinihinàlang shabu na may street value na P183,600 mula sa mga suspek na sina Jan Norwin Dela Cruz, 29 anyos, residente sa Milan St., Barangay BF Homes, Parañaque City.

Nahaharap sa rekla­mong paglabag sa Sections 5 & 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Illegal Possession f Firearm); habang Section 11 ng RA 9165 naman sina Arvin Arganda, 38, ng Quirino Avenue, Barangay Don Galo, Parañaque City; Gary Balbuena, 34, ng Bagong Sikat St., Barangay Baclaran, Parañaque City;  Mark Lawrence Velasco, 34, ng Doña Aurora St., Tahanan Village, Barangay BF Homes, Parañaque City; at violation of Sec. 11 kay Thalia Dela Cruz, 23 anyos, ng P. Basilio St., M. Dela Cruz, Pasay City.

Nahuli dakong 8:00 pm nitong Martes ang limang suspek sa Universe St., Better Living, Annex 31, Severina 18, Barangay Marcelo Green, Parañaque City.

Nabawi ng mga awtoridad ng P500 bill na marked money at nakom­piska ang isang kalibre .45 baril at magazine na kargado ng 5 bala. (JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …