Monday , December 23 2024

‘Pialago’ niresbakan ng netizens (Nag-drama lang ‘daw’ si Reina Nasino sa libing ng anak)

ni ROSE NOVENARIO

“CELINE, paano ba ang maging isang ina?”

Tanong ito ng netizens kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson at Assistant Secretary Celine Pialago matapos niyang batikusin ang mga tagasuporta ng detenidong aktibistang si Reina Nasino nang pagkaitan ng estado ng karapatang ipagluksa at mailibing nang maayos ang anak na tatlong-buwang sanggol.

Sa kanyang official Facebook page, sinabi ni Pialago, “Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!”

“Happy Sunday everyone! Walang kinalaman sa traffic pero sa tingin ko kailangan kong gamitin ang boses ko bilang isang (P)ilipino sa usapin na ito,” bungad na mensahe ni Pialago.

“Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya ‘yung mga sumisimpatiya kay Reina Mae Nasino, pag aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan,” dagdag niya.

Nag-viral ang FB post ni Pialago pero kahit nawala ang kanyang FB account makalipas ang ilang oras , marami na ang nakapg-screengrab at pinutakti ng puna ng netizens.

Ilan sa netizens na bumatikos kay Pialago:

Yhan Capara:

“As what the saying goes, “Never mock a pain you never endured or a situation you have never been in.” and I pray that you won’t experience the pain she suffered because nothing can equal the pain felt by a mother who has lost a child. God bless you, Miss!”

Nuj Limaug:     “Madam spokeperson it’s not being ‘madrama,’ the issue at stake is justice for all, that those who have less in life should have more in law. Unfortunately this is not the case in our country. Please remember that a citizen has a fundamental right and that is right to life. We are one with Reina and we are not making this into a “teleserye,” we just want equal justice for all.”

Hans Maristela: “For the good of her soul, I pray that she’s seriously misinformed. Her inability to even fake empathy is terrifying; it betrays a lack of humanity.”

Matatandaang inulan ng kritisismo ang pag-hijack ng mga pulis at jail personnel sa labi ni Baby River mula sa punerarya hanggang Manila North Cemetery na taliwas sa plano ng pamilya Nasino.

Bantay-sarado ng 100 armadong pulis at jail personnel si Reina, nakaposas at nakausot ng PPE.

Hindi tinanggal ng mga awtoridad ang posas ni Reina kaya’t hindi niya nagawang yakapin kahit ang ataul ng anak bago ilibing, kahit mga luha ay hindi niya nagawang punasan.

Kaugnay nito, tikom ang bibig ng Palasyo sa pagkondena ng iba’t ibang personalidad at grupo sa ‘kalupitan’ ng estado kay Reina sa kabila ng pighating naramdaman niya sa pagkasawi ng anak.

“We defer to BJMP and the courts,” maikling text message ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Buwelta ni Bayan secretary-general Renato Reyes, Jr., “To the critics of Reina Mae: What IS the right way to respond to political persecution? What IS the proper way to respond to injustice? Ano ba ang tamang paraan? To sit back and enjoy it? To suffer is silence? Or to fight back?”

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *