HINDI terorismo ang paglaban sa abuso.
Tinuran ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas bilang pagdepensa kay Kapamilya actress Liza Soberano laban sa isang vlogger na binansagan siyang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos lumahok ang aktres sa webinar ng Gabriela Youth na “Mga Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voices on the International Day of the Girl Child” sa isang Facebook live session.
Hinimok ni Brosas ang publiko na maging isang Liza Soberano sa isang bansang pinamumunuan ng mga macho-pasistang opisyal.
“Hindi terorismo ang paglaban sa abuso. Be a Liza Soberano in this country being lead by macho-fascist officials,” ani Brosas.
Nanawagan din siya sa iba pang personalidad na gamitin ang kanilang platform upang isulong ang human rights na kailangan sa panahon ngayon lalo na’t maraming uri ng karahasan ang ipinangangalandakan ng pinakamatataas na opisyal ng pamahalaang Filipino.
“We call on more public personalities to use their platforms to promote human rights, something that is badly needed today amidst the many forms of violence being promoted by the highest officials of the land,” aniya.
(ROSE NOVENARIO)