Saturday , November 16 2024
green light Road traffic

Karnap na sasakyan na-track ng GPS

TINUTUGIS ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat na carnapper na nag-abandona sa isang sasakyan na kanilang sapilitang tinangay mula sa may-ari nito sa SM San Lazaro.

Ayon sa ulat, ang naturang sasakyan na kulay puting Nissan Terra may conduction sticker na F1 J857  ay natagpuang inabandona sa Daang Bakal ng Barangay 152 sa Tondo, Maynila.

Sa report, nagsasagawa ang MPD-PS7 ng Anti-Criminality Checkpoint sa kahaban ng Yuseco St., malapit sa kanto ng Dagupan St., Tondo, nang ialarma sa kanila ang naturang sasakyan na umano’y walang habas na pumasok sa Daang Bakal ng Yuseco.

Agad itong pinuntahan ng mga operatiba kung saan nalaman na inabandona ito sa naturang lugar.

Dumating ang Task Force Limbas sa pangunguna ni P/Lt Col. Joel Manuel Ana nang ma-track ang sasakyan sa pamamagitan ng GPS mula sa may-ari nito.

Una rito, napag-alaman na nasa SM San Lazaro ang may-ari at driver ng sasakyan na kapwa nasugatan nang sapilitang agawin ng apat na ‘di kilalang carnapper saka dinala sila sa San Fernando, Angeles City, Pampanga at doon ibinaba at tinangay ang naturang sasakyan.

Dinala sa tanggapan ng Highway Patrol group (HPG) sa Camp Crame, Quezon City ang naturang carnapped vehicle ng Task Force Limbas para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *