Saturday , November 16 2024

Imbestigasyon sa DPWH isinulong ni Barzaga

PINAIIMBESTIGAHAN ni Dasmariñas city Rep. Elpidio Barzaga ang Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos mabuyangyang ang malawakang korupsiyon sa ahensiya.

Ayon kay Barzaga, nararapat imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ahensiya matapos sabihin ng Pangulong Duterte na sobra na ang katiwalian sa ahensiyang pinamu­munuan ng anak ni Senator Cynthia Villar na si Secretary Mark Villar.

Ani Barzaga, ang NBI at and Senado ay nasa mas magandang posi­syon upang imbestigahan ang ahensiya.

“Let the axe fall where it may. The NBI can pursue a case build up against people behind the systemic and systematic corruption at the DPWH. Some senators who have been talking about the huge lump sum appropriations in the DPWH budget for next year could help shed light into the President’s complaint by conducting a probe on the matter,” ani Barzaga.

“This may serve as an opportunity for the senators to exercise its legislative function and draw inputs from possible investigation on the matter similar to PhilHealth investigation,” paliwanag niya.

Nauna nang binatikos nina Sens. Franklin Drilon at Panflio “Ping” Lacson ang DPWH, sa umano’y, sobra sa P300 bilyon lump sum appropriations na isiningit sa panukalang pambansang budget para sa 2021 na nagkaka­halagang P667.3 bilyon.

“We need to help the President on his campaign to stamp out the deep-rooted corruption in all levels of governance. It’s really frustrating that this is continuing even in the middle of our pandemic battle,” ayon kay Barzaga.

“The continued web of corruption at DPWH has been jeopardizing the President’s Build, Build, Build programs with alleged substandard infrastructure projects. No less than President Duterte had stated that no construction will proceed without money changing hands,” aniya.

Anang kongresista, talamak ang korupsiyon sa contractors at project engineers sa DPWH.

Ngunit sinabi ni Barzaga na labas si Villar sa katiwalian.

“I have not heard of any irregularity on the DPWH secretary’s projects during his stint as congressman of Las Piñas City.”

“Despite the President’s statement on the brazen corruption in the department, Sec. Villar still enjoys the trust and confidence of the Chief Executive,” ayon kay Barzaga.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *