Saturday , November 16 2024
gun dead

Alaskador na sekyu, binoga ng kabaro  

PATAY ang isang sekyu nang barilin sa ulo ng kanyang kabaro dahil sa pagiging alaskador sa isang bodega ng bigas sa Tondo, Maynila nitong Sabado.

 

Kinilala ang biktima na si Steven Morales, 41, security guard sa RAN PMC Compound at residente sa St. Anthony Phase-2 A, Antipolo City.

Naaresto ang suspek na si Lemuel John Estrida, 29, residente sa Barangay Camangyanan, Sta. Maria, Bulacan.

 

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente 7:10 pm sa loob RAN PMC Compound, sa No. 1613 A. Rivera St., corner Mayhaligue St., Tondo.

 

Nauna rito, nilapitan ng biktima ang suspek na naka-duty at ilang beses sinabihan nang “umayos ka malapit ka na sa akin!”

 

Matapos pagsalitaan ng biktima ang suspek, bumalik din sa kanyang assign post.

 

Ngunit napikon umano si Estrida sa tinuran ng biktima kaya pinuntahan sa kanyang puwesto saka pinagbabaril hanggang bumulagta.

 

Mahaharap si Estrida sa kasong murder.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *