Sunday , December 22 2024

Reso ng kamara hinikayat para sa motorcycle taxis

ni ROSE NOVENARIO

HINIMOK ng Palasyo ang Kongreso na magpasa ng resolusyon upang mabigyan ng prankisa ang motorcycle taxi na Angkas at Joyride.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na habang walang prankisa ang Angkas at Joyride, walang basehan para sila’y pahintulutang bumiyahe.

Ang pahayag ni Roque ay kasunod ng go signal ng Palasyo na luwagan ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan upang ibangon ang nalugmok na ekonomiya sa panahon ng pandemyang CoVid-19.

“Mayroon na pong pinal na desisyon, inendoso na po namin sa Kamara (de Representante) na kung pupuwede, bigyan. Magpasa uli sila ng resolusyon para magkaroon ng pilot study muli, dahil habang wala pong prankisa ang Angkas ay wala po talagang legal na basehan. Pero kung hindi pa po maipasa talaga iyong prankisa nila, kahit resolusyon po ay hiningi na po ng IATF nang makapagsimula po muling bumiyahe ang Angkas at Joyride,” ani Roque.

Imbes isang metro ang distansiya ng mga pasaheto sa mga pampublikong sasakyan, ginawa na lamang itong one-seat apart.

Ngunit kailangan magpalabas muna ng guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa one-seat-apart policy at ilathala sa Official Gazette bago maipatupad.

Tinatayang may halos 50,000 Angkas at Joyride bikers ang nawalan ng trabaho mula nang pagbawalan silang bumiyahe ng pamahalaan nang ipatupad ang CoVid-19 qurantine protocols noong Marso 2020.

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *