DISENTENG tinugon ng University of the Philippines Marine Science Institute (UPMSI) ang akusasyon ng isang opisyal ng administrasyong Duterte na ‘bayaran’ ang kanilang mga eksperto kaya’t walang karapatang batikusin ang Manila Bay white sand beach project.
Inihayag ng UPMSI na patuloy ang kanilang komitment upang magamit ng gobyerno ang serbisyo ng kanilang researchers, scientists and experts, kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), upang isulong sa kaunlaran ang bansa,
Inilinaw ng UPMSI na libre ang inilalaan ng kanilang mga eksperto na scientific advice at technical inputs, alinsunod sa mandato ng UP bilang pambansang unibersidad.
Ngunit ang ilang mga kuwestiyon at problema, anila, ay hindi matutugunan kung walang isasagawang field research o laboratory experiments upang makabuo ng science-based answers o local capabilities.
Anila, ang mga gastos sa scientific research and investigation, mula sa paggamit ng mga laboratory at research equipment and facilities, suporta sa research assistants, ay dapat sagutin ng mga kliyente dahil ang UPMSI ay hindi line agency ng sangay ng ehekutibo.
Ang lahat anila ng research and development activities ng UPMSI ay project-based, may espesipikong fund disbursement guidelines at limitasyon.
“The internal Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) funds of UPMSI are limited to maintaining the laboratory facilities and field equipment in Diliman and the Bolinao Marine Laboratory.”
“Recognizing the need and the limited funds available, the University was given General Appropriations Act funding for the first time in 46 years so that UPMSI could conduct necessary marine scientific research in Philippine waters.
“Hence, for as long as the science inquiries of the national government agencies fall within planned marine scientific research, only minimal additional funding will be needed,” pahayag sa kalatas ni UPMSI Director Dr. Laura T. David.
“UPMSI has had many productive collaborations with DENR, and we recognize DENR’s expertise in a wide variety of fields,” dagdag niya.
Tiniyak ng UPMSI na ang working partnership nito sa DENR at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay magpapatuloy sa mga susunod pang taon upang bigyang proteksiyon ang marine ecology ng Filipinas para sa mga susunod na henerasyon.
(ROSE NOVENARIO)