PINASINAYAAN ang bagong quarantine facility sa Fort Capinpin, sa bayan ng Orion, Bataan na handa nang tumanggap ng mga kadaraong na seafarers habang naghihintay ng resulta ng kanilang swab test, noong Biyernes, 9 Oktubre.
Naitayo ang quarantine facility sa pakikipagtulungan ng Philippine Ports Authority (PPA), Department of Transportation (DOTr), pamahalaang lokal ng Orion, at Gopez Group of Companies, na nagbigay ng ambulansiya at P100 milyon sa kanilang programa kontra CoVid-19.
Mayroong 124 beds, 25 cubicles, nurse station, hiwalay na ward para sa high risk patients, at common area.
Dinalohan nina Bataan Governor Abet Garcia, Rep. Jose Enrique Garcia lll, Orion Mayor Tony Pep Raymundo, mga kinatawan ng DOTr, PPA, DND, at P/Col. Joel Tampis, Provincial Director ng Bataan PNP ang nasabing programa.
(RAUL SUSCANO)