Sunday , December 22 2024

Kongreso buwag (2021 national budget kapag nadamay sa away)

ni ROSE NOVENARIO

NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na kung hindi titigil sa power struggle sa  Mababang Kapulungan at mada­damay ang 2021 national budget ay gagawa siya ng hakbang na hindi nila magugustohan.

“I am just, you know, appealing to you. Iyong upo nila dito, hindi sabihin na may balak ako. Gusto ko lang sabihin in one straight statement: Either you resolve the issue sa impasse ninyo riyan and pass the budget legally and constitutionally, ‘pag hindi ninyo ginawa, ako ang gagawa para sa inyo,” sabi ng Pangulo sa kanyang biglaang public address sa Malacañang.

“Hindi ako nananakot, wala akong ambisyon manakot, wala rin akong ambisyon na tatagal dito sa puwestong p****** i**** ‘to na puro problema. Wala akong ano — wala akong hangarin. Basta sinasabi ko lang, if you do not solve the problem, then I will solve the problem for you,” dagdag niya.

Ayon sa ilang political observer, ang pagbuwag sa Kongreso ay maaaring gawin ni Pangulong Duterte kapag nag­deklara siya ng batas militar gaya nang ginawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos nang ibaba ang martial law noong 21 Setyembre 1972.

Posible rin anilang lusawin ni Pangulong Duterte ang Kongreso kapag nagdeklara siya ng revolutionary government dahil maaaring ituring na banta sa pambansang seguridad at political stability ng bansa ang agawan sa kapang­yarihan sa Kongreso na may malaking epekto sa paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan sa pagkaantala sa pagpasa ng P 4.5 trilyong 2021 national budget.

Matatandaan, idine­klara ni dating Pangulong Corazon Aquino ang revolutionary government at binuwag ang Batasang Pambansa upang ibalik ang demokrasya sa bansa matapos patalsikin ng EDSA People Power 1 ang rehimeng Marcos noong 1986.

Sa kanyang talumpati ay nagpahiwatig ng disgusto sa ginawang pagsuspinde sa session ng Kongreso ni Speaker Alan Peter Cayetano hanggang 16 Nobyembre 2020 matapos ideklarang nakapasa sa second reading ang panukalang 2021 budget.

Nauna rito’y nagbitiw si Cayetano bilang Speaker ngunit hinarang ng kanyang mga kaalyadong kongresista.

Alinsunod sa 15-21 term sharing gentleman’s agreement nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco na nabuo sa harap ni Pangulong Duterte noong nakaraang taon, sa unang 15 buwan ng 18th Congress, si Cayetano ang Speaker at sa natitirang 21 buwan ay si Velasco naman.

Hindi tumupad si Cayetano sa kasunduan at idineklarang bababa bilang Speaker kapag nakakuha ng mas maraming boto si Velasco mula sa mga kapwa nila kongresista.

“ Mamili kayo, either we have a — the positive development na maligayahan iyong tao, iyong amo natin — iyong amo natin palagi nasa huli iyan. Mamaya na iyang amo natin, mamamatay na muna iyan o mabubuhay iyan, medisina lang iyan, tapos nakakalimutan natin. We always forget that there is something more higher than just delaying or maneuvering in Congress because everybody wants to be Speaker,” aniya.

“I am not going to give a timeline. Hindi — mga diktador lang gumagawa ng ganoon. Gusto ko na ayusin ninyo, if and when I see that there will be a delay and it will result in the derailment of government service, I will, I said, solve the problem for you. Iyan lang po. Sana maintindihan ninyo ako. I will not apologize for saying this because indeed we are all of the same dream and that is really by itself and alone, it is already an honor, it’s a dream fulfilled for any lawyer or any Filipino for that matter, to serve his country,” giit niya.

“So let us keep that in mind and we will see in the next few days if there is really something that we can hope for. ‘Pag wala, then I will do my thing,” pagwawakas ng Pangulo.

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *