MAY dementia na pala si Caridad Sanchez. Iyan ang inamin ng kanyang anak sa isang television interview ni Mario Dumaual. Mahirap na sakit iyang dementia. Pero suwerte na rin si Aling Caring, dahil at least 87 na pala siya. Iyang dementia rin ang ikinamatay ng singer na si Helen Reddy noong nakaraang linggo lang at iyon ay 78 lamang.
Noong araw ang akala namin sa dementia, nakalilimot lamang. Noong magkaroon ng ganyang sakit ang isang entertainment columnist na kaibigan namin, at nakausap namin ang kanyang doctor, noon namin nalaman na fatal pala iyan. Kasi darating ang panahon na makakalimutan na rin niya kung paano kumain, ang matindi, makakalimutan na rin niya kung paano huminga at iyon na ang katapusan.
Ipagdasal na lang natin si Aling Caring, na nawa ay humaba pa ang kanyang buhay.
HATAWAN
ni Ed de Leon