Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Big time pusher, 2 pa timbog sa Pampanga (Nagpasaklolo sa among parak)

HALOS mabali ang leeg ng isang high value target na pusher sa pagpapaliwanag at iginigiit na tawagan ang kaniyang among pulis nang maaresto kasama ang kapwa mga tulak sa ikinasang buy bust operation ng anti-narcotics operatives ng Pampanga drug enforcement unit noong Sabado ng gabi, 3 Oktubre, sa San Antonio, bayan ng Guagua, lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay P/Col. Andres Simbajon, Jr., officer-in-charge ng Pampanga PNP, nagpakilalang confidential agent ng Guagua municipal police ang suspek na kinilalang si Eric Asuncion, 39 anyos, na itinuturing na high value target.

Nadakip kasama ni Asuncion ang dalawa pa na kinilalang sina Jojo Soriano, 29 anyos, at Allan Ocampo, 40 anyos, kapwa residente sa nasabing bayan.

Umabot sa 71 gramo ng shabu na nagkahalaga ng P500,000 ang nakpmpiska ng mga operatiba sa mga suspek na ihaharap sa inquest proceedings sa paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …